Hva er viktig? // Ano ang mahalaga?

Hva er viktig for at barn og unge kan ha det godt selv om livet kan være vanskelig?

Ano ang mahalaga para mabuti ang kalagayan ng mga bata at kabataan kahit mahirap ang buhay?

Walang sinuman ang nakakaraos sa mahihirap na karanasan nang mag‑isa – mahalaga ang suporta mula sa iba. Ipinapakita ng pananaliksik na ang mga taong nakakabangon nang maayos matapos makaranas ng mahirap na sitwasyon ay kadalasang may limang mahahalagang salik na nakahanda.

  1. Trygghet/ Seguridad – Kailangan maramdaman muli ng mga bata at kabataan na sila ay may pisikal at emosyonal na seguridad. Mahalaga sa kanila ang mga rutina, na alam o mahuhulaan nila ang maaaring mangyari, at nandiyan lang sa tabi nila ang mga mapagkakatiwalaang nakakatanda.
  2. Indre ro/ Panloob na kapayapaan – Ang pagkatuto ng mga estratehiya para harapin ang stress at pagkabalisa, tulad ng mga teknik sa paghinga o mga gawaing nakapagpapakalma, ay maaaring magbigay sa mga bata at kabataan ng mas mahusay na kontrol sa kanilang mga emosyon.
  3. Mestringstro / Paniniwala sa sariling kakayahan – Kailangang maranasan ng mga bata at kabataan na kaya ng kanilang sarili na makontrol ang sitwasyon, at may tulong silang makukuha kapag humingi sila nito.
  4. Sosial støtte/ Suporta ng lipunan – Ang pagkakaroon ng magagandang relasyon at makaramdam na bahagi sa isang komunidad ay napakahalaga para maging matatag sila.
  5. Håp/Pag-asa – Ang positibong pananaw sa kinabukasan ay nagbibigay ng lakas upang harapin ang mga hamon at paniniwala na magiging maayos din ang mga bagay sa huli.

Ang mga prinsipyong ito ay gumagana nang hiwa-hiwalay, ngunit pinatitibay din nila ang isa’t isa. Ang mga magulang, paaralan, at mga kaibigan ay maaaring mabubuting kaalyado upang matulungan ang mga bata at kabataan para mabuti ang kalagayan nila kahit na mahirap ang buhay.

En sikrel med blå kant. I kanten står ordene: Trygghet, indre ro, mestringstro, sosial støtte, og håp