Om Trygg læring // Tungkol sa Trygg læring

- et undervisningsopplegg

Ang Trygg Læring ay isang programa sa pagtuturo na ang layunin ay maunawaan at makontrol ang stress. Maraming mag-aaral ang nakakaranas ng stress sa kanilang pang-araw‑araw na buhay na maaaring maging mahirap sa kanila na itutok ang isip at matuto.

En sirkel i beige farge med komponenter av lydsblått, rødt og hvitt. Teksten Trygg læring står i senter av sirkelen

Ang stress at pagkabalisa ay mga natural na reaksyon ng katawan. Minsan, ang stress ay nanggagaling sa mga karaniwang pang-araw-araw na hamon, tulad ng mga takdang-aralin, mga pagsusulit, bagong kaibigan, o ang pagsisimula sa isang paaralan sa bagong bansa na may bagong wika. Sa ibang pagkakataon, maaaring manggaling ang stress sa mga nakakatakot na sitwasyon na naranasan ng mga mag‑aaral noon. Ilang halimbawa nito ay: aksidente sa sasakyan, may biglaang namatay, malubhang pinsala, lindol, digmaan, o pagtakas.

.

Ang leksiyon sa Trygg Læring ay tungkol sa mga reaksyon sa stress at pagre-relaks, dahil makakatulong ito upang maging kalmado at maging mas panatag ang loob sa klase. Kapag ang pakiramdam ng isang tao ay mas kalmado at panatag ang loob, mas nagiging madali para sa kanya ang mag-pokus at matuto. Sa leksiyong ito, malalaman mo kung ano ang maaaring magdulot ng stress, paano ito nararamdaman sa katawan, at paano ito mababawasan sa tulong ng ilang ehersisyo. Ilan sa mga ehersisyong ito ay mga pagsasanay sa paghinga, pagsasanay sa balanse, at pagsasanay sa konsentrasyon.