Øvelse 2 // Ehersisyo 2

Dype pust

Om øvelsen

Ang paghinga natin ay kinokontrol automatik ng utak, ngunit kaya rin natin itong kontrolin. Kapag tayo ay natatakot, nagagalit o nai-stres, nagiging mabilis at mababaw ang paghinga. Nagpapadala ito ng mga senyales sa utak na nagbibigay ng ligalig sa katawan. Sa pamamagitan ng malalalim na paghinga na umaabot hanggang sa tiyan, maaari nating pakalmahin ang katawan at isipan. Kapag nagpapahinga ang katawan, mas kumakalma rin ang utak. Dahil dito, ang malalim na paghinga ay maaaring maging epektibong paraan upang harapin ang stress at mga emosyon.

Umupo ka nang komportable o tumayo nang tuwid. Ilagay ang iyong mga kamay sa iyong tiyan. Huminga ka nang dahan-dahan sa pamamagitan ng ilong at mararamdaman mong lumalaki ang iyong tiyan. Pagkatapos, huminga ka nang mabagal palabas sa pamamagitan ng bibig at maramdaman mong lumiliit ang iyong tiyan. Isipin mong may isang lobo sa loob ng tiyan mo na napupuno at nauubusan ng hangin. Ulitin mo ito nang ilang beses at pansinin kung paano nagbabago ang pakiramdam ng iyong katawan pagkatapos.

Illustrasjon av en person i to ulike posisjoner. tegningen illusterer at persunen puster og magen går ut og inn.