Øvelse 3 // Ehersisyo 3

Dyp pust

Om øvelsen

Ang paghinga natin ay kinokontrol automatik ng utak, ngunit kaya rin natin itong kontrolin. Kapag tayo ay natatakot, nagagalit, o nai-stress, nagiging mabilis at mababaw ang paghinga. Nagpapadala ito ng mga senyales sa utak na nagbibigayng ligalig sa katawan. Sa pamamagitan ng malalalim na paghinga na umaabot hanggang sa tiyan, maaari nating pakalmahin ang katawan at isipan. Kapag nagpapahinga ang katawan, mas nagiging kalmado rin ang utak. Dahil dito, ang malalim na paghinga ay maaaring maging epektibong paraan upang kontrolin ang stres at mga emosyon.

Umupo nang kumportable o tumayo nang tuwid. Isipin mong humihinga ka paikot sa lima mong daliri. Huminga nang papasok habang sinusundan ang labas na bahagi ng kalingkingan, huminto sandali sa tuktok ng daliri, at dahan-dahang huminga palabas habang sinusundan ang loob na bahagi ng kalingkingan. Huminga ulit pataas sa susunod na daliri, huminto sa tuktok, at dahan-dahang huminga palabas, pababa sa kabilang daliri. Ipagpatuloy ang mabagal at mahinahong paghinga sa bawat isa sa iyong mga daliri.

En tegning av en hånd. Rundt fingrne går det en prikkete blå stek ovvover på yttersiden av hver finger og en prikkete rød strek på innsiden av hver finger