Øvelse 4 // Ehersisyo 4

Stram og slipp

Om øvelsen // Tungkol sa ehersisyo – Ehersisyo sa paghinga
– en pusteøvelse

“Ang ‘higpitan at irelaks’ ay isang ehersisyo upang pakiramdaman ang tensyon o sakit ng kalamnan ng katawan. Kapag hinihigpitan at pagkatapos ire-relaks ang kalamnan, natututo tayong pakiramdaman ang pagkakaiba ng paghihigpit at pagre-relaks. Kapag pinagpalit-palitan ang paghigpit at pagrelaks, mas madaling mawawala ang mga naninigas na kalamnan, at nagiging mas kalmado at mas relaks ang katawan. Maaari gamitin ang ehersisyong ito upang makapagpahinga nang maikli, makatulong sa konsentrasyon, at mabawasan ang pagkabalisa o hindi mapakali na pakiramdam sa katawan.

Fire sirkler Firguen viser øvelser med kroppen hvor man strammer og slipper musklene

Magsimula tumayo o umupo sa isang komportableng posisyon. Maaari mong ipikit ang iyong mga mata kung gusto mo, at huminga nang malalim nang ilang beses. Higpitan ang mga kamay at braso sa abot-kaya mo ng limang segundo, at pagkatapos ay dahan-dahang bitawan. Pansinin ang pagkakaiba sa pagitan ng paghigpit at pagrelaks. Ipagpatuloy ito sa mukha, leeg, balikat, tiyan, mga binti at mga paa — isa’t-isa sa bawat kalamnan. Sa bawat pagbibitaw, bigyang-pansin kung paano nagiging mas magaan at mas relaks ang pakiramdam ng katawan. Kapag tapos ka na, huminga nang dahan-dahan at marahan na iunat ang katawan bago mo muling buksan ang iyong mga mata.