Tema 1 // Tema 1
Mestring og trygghet
Ang stress at takot ay natural na mga reaksyon ng katawan. Maaari nating matutunan kung ano ang nagpapa-stress sa atin, kung ano ang nararamdaman ng katawan kapag ito ay stress, at kung ano ang maaari nating gawin para matulungan ang ating sarili na harapin ang stress at maging mas kalmado.
Ang stress
Ang mga sitwasyon o bagay na mukhang delikado ay maaaring makatakot sa atin. Ang digmaan, alitan, at pagtakas ay puwedeng magdulot ng takot at stress. Normal lang ang stress. Maraming bagay ang puwedeng magdulot ng stress sa atin, tulad ng pagdating nang huli sa paaralan o pagkakaroon ng pagsusulit. Ang stress ay nagdudulot sa atin ng pagkabalisa, at mas mahirap itutok ang ating isip upang matuto.

Bakit kailangan mong matutunan ang tungkol sa stress?
Kapag stressed o natatakot ka, tumitigas ang mga kalamnan mo sa katawan. Ang mga kalamnan sa iyong mga balikat at leeg ay naninigas. Bumibilis ang paghinga. Mas mabilis ang tibok ng puso. Kapag ganito ang nararamdaman natin, puwede tayong gumawa ng mga ehersisyo na tumutulong sa mga kalamnan na mag-relaks. Sa gayon ay magiging mas kalmado at mas panatag ang ating pakiramdam.
Ano ang kailangan nating matutunan?
- Matutunan na ang katawan natin ay may normal na reaksyon sa stress at takot.
- Matutunan kung ano ang mga bagay na puwedeng magdulot ng takot at stress sa atin.
- Matutunan kung ano ang makakatulong sa atin para harapin ang stress.
- Matutunan ang mga ehersisyong ‘Malalim na Paghinga’ at ‘Higpitan at Bitawan’ na nakakatulong para maging panatag at kalmado.