Tema 2 // Tema 2
Stressregulering
Ang stress ay nagdudulot ng pakiramdam ng pagiging wala sa sarili at koneksyon sa ating katawan. Mababawasan natin ang stress at magiging mas may malay ang sarili at isip sa pamamagitan ng pag-iisip tungkol sa isang lugar na gusto nating puntahan na nagbibigay sa atin ng kapanatagan ng loob.
Tungkol sa regulasyon ng stress
Ang regulasyon ng stress ay nangangahulugang matutunan natin kung paano pakalmahin ang ating sarili. Isang paraan ay kausapin ang utak at katawan. Ang “Ligtas na Lugar” ay isang simpleng ehersisyo na puwede mong gawin kapag natatakot ka, nalulungkot, o nai-stress. Sa ehersisyong ito, matutulungan tayo humanap ng isang lugar sa isipan kung saan ka panatag. Puwede itong isang lugar na napuntahan mo na, o kaya naman isang bagong lugar na gagamitan mo ng iyong imahinasyon.
Minsan kaunti lang ang stress natin, at minsan naman sobrang lakas ang ating pagka-stress. Puwede kang gumawa ng sarili mong sukatan ng stress para makita kung ikaw ay medyo stressed o sobrang stressed. Makakatulong ito para hindi ka masyadong madaig ng nararamdaman mong stress.

Hvorfor skal du lære om stressregulering ? // Bakit kailangan mong matutunan ang regulasyon ng stress?
Karamihan sa mga reaksiyon ng stress ay nangyayari nang hindi natin iniisip. Pero kapag napansin natin na tayo ay nai-stress o natatakot nang sobra, puwede nating gamitin ang mga ehersisyo ng isipan para kumalma. Kapag iniisip natin ang isang bagay o lugar na panatag at maganda, nakapagpapahinga tayo sa mga nakaka‑stress na iniisip at mas nagiging mas relaks ang ating katawan. Maaari rin nating pakiramdaman ang sarili at suriin kung gaano tayo ka‑stressed.
Hva skal vi lære?// Ano ang pag-aaralan natin?
- Matutunan ang ehersisyong “Ligtas na Lugar” na magagamit para maging mas kalmado at muling makaramdam na panatag ang kalooban.
- Matutong pakiramdaman ang sarili at sukatin ang antas ng stress gamit ang isang stress‑skala.