Vesak// Vesak

Ang Vesak ay isang kapistahan ng Budhismo na ipinagdiriwang sa buong araw ng buwan sa Abril o Mayo. Sa Vesak, ginugunita ng mga Budista sa buong mundo ang buhay ni Buddha. Ipinagdiriwang sa Vesak ang kaarawan ni Buddha, ang kanyang paggising at ang kanyang kamatayan.

Si Buddha ay ipinanganak mahigit 2500 taon na ang nakalilipas. Ang kanyang tunay na pangalan ay Siddhartha Gautama at siya ay isang prinsipe. Bagama’t nasa kanya na ang lahat ng gusto niya, hindi siya masaya dahil nakita niyang maraming tao sa kanyang paligid ang hindi maganda ang kalagayan. Marami ang may sakit, matanda, malungkot o naghihingalo. Nagpasya siyang iwanan ang kanyang magandang buhay bilang isang prinsipe upang malaman kung paano mapapabuti ang kalagayan ng mga tao. Gumugol siya ng halos anim na taon sa pag-aaral, pag-iisip at pagninilay-nilay.

Illustasjon av prinsen Siddhartha Gautama i hagen

Si Buddha ay ipinanganak bilang prinsipe na lumaking mayaman at protektado ang buhay
Painting depicting the life story of Shakyamuni Buddha. Buddha Meditating Under The Bodhi Tree. Kep. Cambodia.

Si Buddha ay matagal na nakaupo sa ilalim ng isang puno at nagnilay-nilay

Sa bandang huli, habang nakaupo siya sa ilalim ng isang malaking puno, natuklasan niya ang mga sagot na kanyang hinahanap. Naunawaan niya kung paano mamuhay ng magandang buhay at magkaroon ng maiging kalagayan. Nakilala siya bilang Buddha, na ang ibig sabihin ay “Naliwanagan”. Ang ibig sabihin ng naliwanagan ay maunawaan nang lubos na malinaw ang mga bagay. Ang tawag dito ng mga Budista ay Paggising ni Buddha. Mula sa pagiging Prinsipe hanggang pagiging Buddha.

Ginugol ni Buddha ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa pagtuturo sa ibang tao ang kanyang natuklasan. Itinuro niya sa mga tao kung bakit mahalagang maging mabait at tapat sa buhay. Pagkatapos mamatay ni Buddha, ang kanyang mga turo ay ipinasa sa mga tao. Ito ang pag-aaral na kilala natin ngayon bilang Budismo.

Kapag ipinagdiriwang ng mga Budista ang Vesak, pumupunta sila sa mga templo at nakikinig sa mga monghe na nagkukuwento tungkol sa buhay ni Buddha. Ang mga templo ay pinalamutian ng mga bulaklak at sinisindihan ang mga kandila at insenso. Ang mga bulaklak ay paalala na si Buddha ay ipinanganak sa isang hardin. Ang bulaklak ng lotus ay mahalaga sa Budismo. Ang unang pitong hakbang ni Buddha sa hardin nang una siyang maglakad, may tumubong mga bulaklak ng lutos sa mga bakas ng kanyang mga paa upang tanggapin ang kanyang mga paa. Sa templo, ang mga Budista ay yumuyuko sa harap ng mga mesa ng altar na may mga estatwa ni Buddha bilang parangal kay Buddha, Dharma at Sanga (monghe at madre). Maraming mga Budista ang pumupunta sa templo upang magbigay ng pagkain sa mga monghe. Ang ilan ay nagmumuni-muni, nagaabuloy ng pera o mga bagay sa mga templo at sa mga nangangailangan. Nakaugalian din na mag-alay ng tubig, kanin at prutas sa harap ng iba’t ibang estatwa ng mga buddha.

Karaniwan na, na ang mga bahay, tahanan at templo ay pinapalamutian ng mga parol at mga budhistang watawat. Sa ilang mga lugar, ang mga parol ay pinapalipad din sa kalangitan. Maraming tao ang nagpapadala ng mga kard ng Vesak para batiin ang isa´t isa ng magandang pagdiriwang

Film om koreansk Vesak

Sa South Korea, ang kapanganakan ni Buddha ay ipinagdiriwang na may isang malaking pagtitipon sa lungsod ng Seoul.

Lær mer om hinduismen

Alle bilder er hentet fra Adobe Stock