Divali // Diwali
Ang diwali ay isang pagdiriwang sa Hinduismo.
Ang Diwali ay pagdiriwang ng mga ilaw. Ang liwanag ay tumutulong sa mga diyos na alisin ang kadiliman. Mananalo ang kabutihan laban sa kasamaan. Ang mga kandila at rangoli na dekorasyon sa pinto ay malugod na pagbati sa mga bisita at mga mababait na diyos. Itinatabuy nito ang mga masasamang espiritu.
Walang nakatakdang paraan kung paano ipinagdiriwang ang Diwali. Maaaring magkaka-iba ang mga pagdiriwang sa iba’t ibang lugar. Ipinagdiriwang ang Diwali sa huling bahagi ng Oktubre o unang bahagi ng Nobyembre. Nagsusuot ang pamilya ng magagandang damit kapag Diwali. Marami ang nagpipinta ng kanilang mga kamay gamit ang henna. Ito ay kaugaliang pagdiriwang kasama ang pamilya at mga kaibigan. Kumakain sila ng masasarap na pagkain, keyk at matatamis. Sila ay nagbibigay ng regalo sa isa’t isa. May mga nagpapaputok din ng kwitis.
Ang mga Hindu ay naniniwala sa maraming diyos. Si Lakshmi ay ang diyosa ng liwanag, kasaganaan at kayamanan. Nais ng mga Hindu na bisitahin ni Lakshmi ang kanilang bahay sa panahon ng Diwali. Itinataboy niya ang masasamang espiritu. Ginugunita din tuwing Diwali ang pagbabalik ng mga diyos na sina Rama at Sita pagkatapos ng maraming taon nilang pagtakas.
Ang mga Hindu ay nananalangin at nagbibigay ng mga regalo sa mga diyos kapag Diwali. Ito ay tinatawag na puja. Naglalagay sila ng pagkain, inumin, kandila at insenso. Maraming kumakanta o sumasayaw. Kaugalian din na hugasan ang mga estatwa ng mga diyos at dekorasyonan ang mga ito ng pulbos na may kulay. Marami ang pumupunta sa mga templo at bumisita sa mga kaibigan kapag Diwali. Binabati nila ang isa’t isa ng maligayang diwali at nagpapadala ng mga diwali kard.