Hinduismen // Hinduismo
Ang hinduismo ay isa sa mga pinakalumang relihiyon sa mundo. Ang nananampalataya sa hinduismo ay tinatawag na hindu. Ang hinduismo ay pangatlong pinakamalaking relihiyon sa mundo.
Paniniwala
Ang mga hindu ay naniniwala na ang lahat sa sandaigdigan ay may koneksiyon o kaugnayan. Ang mga tao, hayop at halaman ay may mga naka-akdang gawain at ito ay tinatawag na dharma.
Naniniwala ang mga Hindu na ang lahat ng isinilang ay namamatay at muling isisilang. Ito ay tinatawag na muling pagsilang. Ito ay tinutukoy bilang samsara. Kung namumuhay ka nang maayos, maiiwasan mo ang muling pagsilang. Ikaw ay magiging malaya mula sa buhay sa lupa at maaaring mamuhay kasama ang mga diyos. Ito ay tinutukoy na moksha.
Mga Diyos
Mayroong ilang milyong diyos at maraming iba’t ibang tradisyon at kwento sa Hinduismo. Ang ilang diyos ay mahalaga tulad halimbawa ni Brahma, Vishnu at Shiva. Si Brahma ang diyos na lumikha ng mundo at namumuno sa lahat ng nilikhang bagay. Si Vishnu ay ang diyos na nangangalaga sa mundo at kumokontrol sa tadhana ng mga tao. Sinisira ng diyos na si Shiva ang lahat ng buhay, ngunit siya rin ang muling lumilikha ng bagong buhay. Bagamat marami ang mga diyos, maaaring sabihin ng isang Hindu na ang lahat ng mga diyos ay sa katunayan isang bersyon ng kaluluwa ng mundo ni Brahman. Ito ay isang puwersa na umiiral sa lahat ng bagay na nabubuhay.
Mga Templo ng Hinduismo
Ang mga templo ay mga espirituwal na bahay para sa mga Hindu. Magkakaiba kung paano idinisenyo at pinalamutian ang mga templo sa iba’t ibang lugar sa mundo, ngunit ang mga imahe at estatwa ng mga diyos ay karaniwan kahit saang lugar. Ang bawat templo ng Hindu ay itinayo bilang parangal sa isa sa mga diyos, ngunit maaaring mayroon itong mga estatuwa o larawan ng iba pang diyos.
Mga Sagradong Kasulatan
Maraming mga sagradong teksto sa Hinduismo. Sinasabi nila kung ano ang tama at mali na dapat gawin sa buhay at kung paano isasagawa ng mga Hindu ang kanilang relihiyon. Marami sa mga teksto ay higit sa ilang libong taong gulang. Maraming Hindu ang nakikinig sa mga sagradong teksto kapag bumibisita sila sa templo. Ang mga Brahmin ang nagbabasa ng mga teksto para sa kanila. Ang Brahmin ay isang pari.
Puja
Ang ibig sabihin ng puja ay pagsamba sa diyos. Ang mga Hindu ay maaaring sumamba sa mga diyos sa isang templo, sa kanilang mga tahanan sa isang altar ng bahay o sa labas ng hangin. Isinasagawa ang Puja sa harap ng mga rebulto o larawan ng mga diyos. Ang mga Hindu ay naghuhugas ng mga estatwa ng mga diyos at naglalagay ng mga bulaklak, pagkain at gatas sa display. Ang mga tao ay nagsisindi ng kandila, nagsusunog ng insenso, umaawit at nagdarasal.
Pang araw-araw na Pamumuhay
Ang pagmamalasakit sa lahat ng may buhay ay mahalaga sa Hinduismo. Samakatuwid, isang mahalagang tuntunin ang hindi dapat manakit sa mga may buhay. Ang baka ay itinuturing na sagrado. Ang baka ay nagbibigay ng gatas na kailangan ng tao. Ang mga tao ay umiinom ng gatas ng ina noong tayo ay mga sanggol, at gatas ng baka sa buong buhay natin. Itinuturing ng mga Hindu ang baka bilang ina ng lahat. Ang baka ay may maraming mahahalagang gawain kaya marami sa mga naniniwala sa hinduismo ang may malapit na kaugnayan sa mga baka. Samakatuwid ayaw nilang kumain ng karne.
Ang Hinduismo ay isang paraan ng pamumuhay. Kung ano ang iyong ginagawa, at hindi kung ano ang iniisip mo,ang mahalaga. Ang pagpapakita ng paggalang ay mahalaga, halimbawa ang paggalang sa mga nakatatanda. Kapag nakasalubong ng mga bata ang mga matatandang tao o miyembro ng pamilya, nagpapakita sila ng paggalang sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang mga palad at pagbati sa kanila. Bilang kapalit, ang mga bata ay tumatanggap ng bendisyon.
Mga Pagdiriwang at Ritwal ng Hindu
Ang mga hindu ay may iba’t ibang pagdiriwang. Mahirap bilangin kung ilang pagdiriwang mayroon. May mga maliliit na pagdiriwang na ginagawa sa iba’t ibang lugar at mga malalaking pagdiriwang na ginagawa ng lahat ng hindu sa buong mundo. Ang mga pagdiriwang ay maaaring tungkol sa mitolohiya at pang-araw-araw na kapistahan o maaari ring sabay. Ang Diwali at Holi ay dalawang pagdiriwang sa Hinduismo. Ang Diwali ay isang pagdiriwang ng mga ilaw. Ang liwanag ay tumutulong sa mga diyos na ilawan ang kadiliman at ang kabutihan ay mananalo sa kasamaan. Ang Holi ay isang pagdiriwang ng mga kulay. Ang Holi ay palatandaan ng simula ng tagsibol at ang lahat ng mga kulay ay sumisimbolo sa hangarin para sa sariwang taon na makulay tulad ng mga makukulay na halaman.
Ang mga rituwal sa buhay ay mahalaga sa Hinduismo. Ang mga seremonya ay ginagawa tuwing nararating ang isang yugto ng buhay patungo sa susunod na yugto, tulad ng pagpakasal o kapag ang isa ay dumaan na sa pagiging bata patungo sa pagiging tinedger. Ang isa pang rituwal ay ang sagradong rituwal ng kurdon. Sa rituwal na ito, ang mga batang lalaki ay binibigyan ng pulang sinulid sa kanilang pulso. Sila ay malugod na tinatanggap sa relihiyon at masasabing handa nang matuto ng mga sagradong teksto. Ang mga paraan ng pagdiriwang at rituwal na ginaganap ay naiiba sa bawat bansa, bawat lugar at sa bawat tao.
Sa sagradong rituwal ng kurdon binibigyan ang mga batang lalaki ng pulang sinulid sa kanilang pulso.
Mga Banal na Lugar para sa mga Hindu
Maraming Hindu ang naninirahan sa India. Dahil dito, maraming lugar sa India ang sagrado sa mga Hindu. Naniniwala ang mga Hindu na nagdudulot ang pagiging nasa mga banal na lugar. Ang ilog Ganges at ang kabundukan ng Himalaya ay itinuturing na banal. Naniniwala ang mga Hindu na ang diyos na si Shiva ay may kaugnayan sa Himalayas at sa ilog Ganges. Ang pagligo sa Ganges ay isang rituwal. Ito ay para maging malinis at maging ligtas. Maraming mga peregrino ang naglalakbay papuntang Ganges at sa banal na lungsod ng Varanasi upang isagawa ang kanilang mga rituwal.
Makikita sa larawan ang kabundokan ng Himalaya na isang sagradong lugar para sa mga Hindu. Naniniwala ang mga Hindu na ang diyos na si Shiva ay may kaugnayan sa mga bundok.
Lær mer om hinduismen
Bildekort: Divali // Larawan: Diwali
Bildekort med ord, bilde og lyd som handler om høytiden Divali
Divali // Diwali
En kort lesetekst med bilder og lyd om lysfesten Divali
Høytidskalender: Divali (ekstern lenke)
Les om Divali. Veilederkorpset i Stavanger kommune har publisert en flerkulturell kalender som viser ulike høytider.
Høytidskalender: Holi (ekstern lenke)
Les om Holi. Veilederkorpset i Stavanger kommune har publisert en flerkulturell kalender som viser ulike høytider.