Buddhisme // Budismo
Ang Budismo ay nagmula sa hilagang India 2,500 taon na ang nakalilipas.
Ang nagsimula sa relihiyon ito ay isang lalaking nagngangalang Siddharta Gautama.
Buddha
Si Siddharta Gautama ay isang prinsipe. Galing siya sa mayamang pamilya at may magandang buhay sa palasyo. Isang araw, nang siya ay nasa labas ng palasyo, nakakita siya ng isang maysakit, isang matanda, isang patay at isang asketiko. Ang asketiko ay isang taong piniling mamuhay nang simple. Ang nakita ng prinsipe sa labas ng palasyo ang dahilan kung bakit napagpasyahan niyang umalis sa kastilyo, iwanan ang kanyang asawa at kanyang bagong silang na anak. Nais niyang mamuhay bilang isang asketiko. Naniniwala ang mga asketiko na maaari sila mas magiging matalino at mas makakakaunawa kung mamumuhay sila nang simple. Bumisita si Siddharta sa ilang asketiko at maraming siyang natutunan mula sa kanila. Siya ay nag-ayuno at nagnilay-nilay nang hút.
Ang pagmumuni-muni ay nangangahulugan na ikaw ay nakaupong tahimik at susubukang huwag mag-isip ng anuman. Matapos mamuhay bilang isang asketiko ng 6 na taon, tila hindi pa rin nahanap ni Siddhartha ang anumang sagot, hindi siya naging mas matalino. Napagpasiyahan niyang maupo sa ilalim ng isang puno at hindi siya tatayo hangga´t hindi siya magiging matalino. Pagkatapos ng apat na araw sa ilalim ng puno, biglang naunawaan ni Siddharta ang mundo. “Natagpuan ko na ang kalayaan,” naisip niya. Siya ay naging isang buddha na. Ang Buddha ay isang salitang Indian na nangangahulugang “isang nakakaunawa”.
Ang Paniniwala
Si Buddha ay hindi diyos, ngunit isang matalinong tao na maraming naiintindihan. Itinuro ni Buddha sa mga tao kung bakit mahalagang maging mabait at tapat sa buhay. Pagkamatay ni Buddha, ang kanyang mga turo ay ibinahagi. Ito ang aral na kilala natin ngayon bilang Budismo Ang turong ito ay tinatawag ding dharma.
Naniniwala ang mga budista sa muling pagsilang. Ang isang budista ay naniniwala na ikaw ay muling isisilang kapag ikaw ay namatay. Kung ano ang gagawin mo sa buhay na ito, ang magpapasiya kung ano ang mangyayari sa susunod na buhay. Kung hindi ka mabuti sa buhay na ito ngayon, mahihirapan ka sa susunod mong buhay. Ang turong ito ay tinatawag na karma.
Sinabi ni Buddha sa mga tao na maraming problema sa mundo, maraming pagdurusa at maraming tao ang hindi maayos ang kalagayan. Sinabi rin ni Buddha na may lunas ang lahat ng pagdurusa. Dapat gawin ng mga tao ang higit pang pag-unawa, pagiging mas mabait, itigil ang pagkapoot, hindi mag-isip ng masamang bagay, hindi maging sakim at walang hanggang pagnanais ng higit pa. Kung magagawa ito ng mga tao, maaari silang maging malaya at masaya. Ang kalayaang ito ay tinatawag niyang nirvana. Ang Nirvana ay ganap na kalayaan mula sa pagdurusa at muling pagsilang. Ito ang estado ng kaligayahan, pagkakaisa, ganap na kalayaan at hindi mailarawang kalinawan.
Ang 4 na marangal na katotohanan
Ang buod ng mga turo ni Buddha ay may apat na pangaral. Ang mga ito ay tungkol sa kung bakit maraming pagdurusa ang mga tao at kung paano ito mababago.
- Lahat ng bagay ay masakit o may pagdurusang kasama.
- May pagdurusa dahil ang mga tao ay sakim o hindi kailanman nasisiyahan. Ang mga tao ay palaging nagnanais ng bagay.
- Ang sakit at pagdurusa ay mawawala kung ang mga tao ay titigil sa pagiging sakim at pagnanais sa kanilang buhay.
- Kung gusto ng tao na matigil ang lahat ng masakit, dapat niyang sundin ang 8 landas.
Kung tayong mga tao ay magsisikap na makaunawa pa nang higit, magkakaroon tayo ng mas magandang buhay at maaaring mawala ang pagdurusa.
Ang 8 tiklop na landas o daan
Ang sabi ni Buddha: Kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mali sa kanilang buhay bago nila “ayusin” ang kanilang buhay. Sinabi rin ni Buddha na ang mga tao ay dapat sumunod sa 8-tiklop na landas upang maabot ang nirvana.
- Magkaroon ng tamang pang-unawa. Unawain ang 4 na marangal na katotohanan, ang Batas ng Karma at muling pagsilang.
- Magkaroon ng tamang pag-iisip. Mag-isip na may pagmamahal sa ibang tao, magbigay nang hindi iniisip na may makukuha kang kapalit.
- Magkaroon ng tamang pananalita. Magsabi ng totoo at huwag manirang-puri, magsinungaling o magtsismis.
- Gawin ang tamang kilos. Sundin ang limang alituntunin ng buhay sa Budismo
- Huwag pumatay.
- Huwag magnakaw.
- Huwag maki-apid sa hindi mo asawa.
- Huwag magsinungaling.
- Huwag maglasing.
- Magkaroon ng tamang pamumuhay. Ang pagkakaroon ng isang matapat na trabaho, hindi kumikita ng pera sa masamang paraan, tulad ng pagnanakaw, pagpatay o panlilinlang sa ibang tao.
- Magkaroon ng tamang pagsisikap. Magsumikap sa trabaho at magsikap na maging mas mabuti at mas matalinong tao.
- Magkaroon ng tamang pansin. Magsanay na huwag mag-isip tungkol sa iba pang mga bagay habang may ginagawa kang isang bagay, ngunit isipin kung ano ang iyong ginagawa sa kasalukuyan.
- . Magkaroon ng tamang konsentrasyon. Sanayin ang iyong sarili na magkaroon ng kapayapaan sa iyong ulo at puso at maging matatag sa iyong ulo at puso.
Mga teksto at simbolo
Maraming mga sagradong kasulatan o teksto sa budismo. Ang mga teksto ay tungkol sa buhay ni Buddha at mga turo niya. Ang mga turo ng Buddha ay unang sinabi mula sa bibig ng guro hanggang sa mag-aaral. Sa kalaunan kinakailangan isulat ang mga teksto upang ang mga turo ay hindi mawala.
Sa mga templong budista kadalasang mayroong malalaking estatwa ni Buddha, at marami sa mga ito ay mga mamahaling gawa ng sining.
Maraming templo ang may mga altar na may mga estatwa ng buddha. Ang ritwal ng puja ay madalas na ginagawa roon kung saan ang pagsamba sa mga Buddha ay sa pamamagitan ng pagkanta, pagmumuni-muni at pag-aalay ng mga bulaklak at insenso.
Karamihan sa mga budista ay mayroong Buddha sa bahay. Nagsisindi sila ng kandila at naglalagay ng mga bulaklak sa harap ng pigura ni Buddha. Ang ilang mga budista ay nagmumuni-muni araw-araw.
Mga monghe at madre
Ang mga monghe at madre ay mga espesyalistang budista. Nagbabasa sila lagi sa mga banal na kasulatan. Nagninilay-nilay sila, at itinuturo nila ang mga aral ni Buddha. Wala silang pag-aaring maraming bagay, maliban są kung ano lang ang kailangan nila. Nabubuhay sila sa pagkain at mga regalo na natatanggap nila mula sa mga tao.
Pag-aralan pa ang budhismo
- Tekstene er utviklet av Veilederkorpset i Stavanger og etter avtale tilrettelagt, bearbeidet og oversatt av morsmål.no
- Alle bilder er hentet fra Adobe Stock