Kjærlighet og seksualitet // Pag-ibig at seksuwalidad
Ang pag-ibig ay pagiging mapagmahal sa isang tao. Karamihan sa mga tao ay may isang minamahal. Ito ay maaaring mga magulang, kapatid o kaibigan. Mayroon ding tinatawag na romantikong pag-ibig, na nararamdaman para sa isang kasintahan o asawa.

Ang pag-ibig ay pagiging mapagmahal sa isang tao.
Ang pananaw sa romantikong pag-ibig ay magkakaiba sa iba’t ibang bansa at kultura. May malaking pagkakaiba sa kung paano nahahanap ng mag-asawa o magkasintahan ang isa’t isa. Sa ibang lugar, ang mga magulang ang naghahanap ng mapapangasawa para sa mga anak. Ito ay tinatawag na pakikipagsunduang kasal.
Ang ilang magulang ay nagbibigay sa kanilang mga anak ng kanilang mapagpipilian kung sino ang gusto nilang pakasalan. At pagkatapos ay ang mga bata ang pipili para sa kanilang sarili kung sino ang pinakagusto nila. Sa ibang lugar, ang mga magulang ang nagpapasya nang hindi tinatanong ang mga bata. Labag sa batas sa Norway na pilitin ang isang tao na magpakasal, ngunit pinapayagan na magbigay ng mga mungkahi kung gusto ito ng mga bata.

Labag sa batas sa Norway na pilitin ang isang tao na magpakasal.
Sa Norway, karaniwan na ikaw ang kusang maghahanap sa taong gusto mong pakasalan. Karaniwan din ang pagkakaroon ng maraming kasintahan bago magdesisyon na magpakasal. Karamihan sa mga tao ay nagsasama muna bago sila ikasal. Ito ay tinatawag na pagiging samboere og pagsasama nang hindi kasal. Sa Norway, isang-kapat ng mga nagsasama nang hindi kasal ay hindi kailanman nagpapakasal, ngunit nakatira silang magkakasama at madalas na may mga anak.

Isang-kapat ng mga nagsasama nang hindi kasal sa Norway ay hindi kailanman nagpapakasal, ngunit nakatira silang magkakasama at madalas na may mga anak.
Kapag ang isang lalaki at isang babae ay umibig sa isa’t isa, tinatawag natin itong heteroseksuwalidad. Kapag ang dalawang magkaparehong kasarian ay umibig, ito ay tinatawag na homoseksuwalidad.
Sa ilang bansa, ang pagiging bakla ay ilegal at ang mga bakla ay maaaring parusahan o patayin kapag sila ay namumuhay bilang bakla. Sinasabi ng ilang relihiyon na mali ang homoseksuwalidad.
Sa Norway maaari kang mamuhay na kasama ang sinumang gusto mo. Labag sa batas ang diskriminasyon laban sa mga homoseksuwal, at ang mga homoseksuwal, halimbawa, ay maaaring magpakasal, katulad din sa mga heteroseksuwal.

Sa Norway maaari kang mamuhay na kasama ang sinumang gusto mo.
Ang sex ay isang natural na bahagi ng isang romantikong relasyon. Ito ay isang bagay na maganda at personal na samahan ng dalawang tao. Ngunit kapag ikaw ay nasa isang relasyon, ikaw pa rin ang magdedesisyon tungkol sa iyong sekswalidad. Nangangahulugan ito na ikaw ang magpapasya kung gusto mong magkaroon ng mga sekswal na karanasan at kung kanino mo gustong maranasan ang mga ito. Walang sinuman, maging ang mga magulang, asawa o kasintahan, ang maaaring magpasya sa iyong sekswalidad.
Ang pakikipagtalik na hindi mo sinang-ayunan ay tinatawag na panggagahasa. Ito ay labag sa batas sa Norway at maaaring parusahan ng pagkakulong. Hindi rin pinapayagan na hawakan o hipuan ka ng iba kung hindi mo sila binigyan ng pahintulot na gawin ito. Kung nag-aalinlangan ka kung maaari bang hawakan o yakapin mo ang isang tao, maaari mong itanong ito.

Ordliste
- Napagkasunduang kasal – Ang pamilya ang pumipili ng mapapangasawa para sa mga anak
- Kohabitasyon – Mamuhay na magkasama nang hindi kasal
- Heteroseksuwal – Pag-ibig sa isang taong di-katulad ang kasarian
- Homoseksuwal – Pag-ibig sa kaparehong kasarian
- Panggagahasa – Sapilitang pakikipagtalik
Tekst og bilde er gjengitt og oversatt med tiltatelse fra Bergen kommune og zmekk.no