Id al-adha // Id al-adha
Ang Id al-Adha ay isang pagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo. Ang pagdiriwang ay tinatawag ding malaking Id o pista ng paghahandog. Ang pagdiriwang ng Id ay tanda ng pagtatapos ng Hajj, ang paglalakbay patungong Meka. Ang petsa nito ay nagbabago taun-taon. Ang Meka ay isang lungsod sa Saudi Arabia at ang pinakabanal na lugar sa Islam.




Ang Hajj, isa sa limang haligi ng Islam, ay paglalakbay sa banal na lugar patungong Meka. Ang mga Muslim na may kakayahan ay dapat magsagawa ng hajj o maglakbay bilang pilgrim isang beses sa kanilang buhay. Taun-taon, tatlo hanggang apat na milyong Muslim ang bumibisita sa Meka.
Ang isang ginagawa ng mga Muslim kapag sila ay nasa Hajj ay ang umikot ng pitong beses sa paligid ng Kaba. Ayon sa Islam, ang Kaba ay isang banal na bato na dinala sa mundo ng anghel na si Gabriel.




Sa pista ng Id al-Adha ay may masayang salu-salu, at madalas na kumakain ang mga Muslim ng karne mula sa kambing, tupa, o baka. Inaalala nila ang propetang si Abraham na handang ialay ang kanyang anak upang ipakita ang kanyang pagkamasunurin sa Diyos.
Sa Id al-Adha, nagsusuot ang mga Muslim ng mga magagandang damit. Kumakain sila ng masasarap na pagkain kasama ang pamilya at mga kaibigan. Marami ang nagdarasal at nagpapapalitan ng mga id card o regalo. Sa Id al-Adha, binabati nila ang isa’t isa ng «id mubarak» na nangangahulugang Maligayang Id.



