Id al-fitr // Id al-fitr
Ang Id al-fitr ay madalas na tinatawag na id. Ipinagdiriwang na ang taunang panahon ng pag-aayuno ay tapos na. Ang buwan ng pag-aayuno ay tinatawag na Ramadan at lahat ng may sapat na gulang na Muslim ay nag-aayuno. Ang mga nag-aayuno ay hindi kumakain ng pagkain mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw. Sa Ramadan ay mahalagang pinag-iisipan kung paano tayo magiging mabait at mabuti sa isa’t isa. Sa Id, pinasasalamatan ang Diyos sa pagbigay ng lakas upang maisagawa ang pag-aayuno. Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa isang rituwal na karaniwang panalangin sa moske.
Sa Id ay karaniwan na ang pamilya at mga kaibigan ay magkakasama. Ang selebrasyon ng Id ay araw ng mga bata. Ang mga bata ay madalas na nakakatanggap ng mga regalo o pera mula sa pamilya. Ang mga regalo ay tinatawag na idi. Nakaugalian sa araw na ito na magsuot ng magagandang damit. Maraming tao ang nagpapalamuti sa kanilang mga kamay ng henna.
Bago ang pagdiriwang ng Id ay karaniwan sa mga may kakayahan na magbayad ng buwis sa pag-aayuno na tinatawag na zakat al-fitr. Ang pera ay ibibigay sa mga nangangailangan para makabili sila ng mga pagkain, regalo o bagong damit para sa malaking pagdiriwang.
Ang pagkain ay isang mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng Id. Nagtitipon ang pamilya at mga kaibigan para sa isang pagsalu-salo kung saan inihahain ang masasarap na pagkain at matamis. Iba-iba ang pagkain sa mesa sa bawat pamilya.
Nakaugalian na batiin ang isa’t isa ng “Id Mubarak,” na nangangahulugang bumabati ka ng isang maligayang pagdiriwang. Maraming tao ang nagbibigay o nagpapadala ng mga kard para sa id sa isa’t isa.