Islam// Islam
Ang Islam ang pinakabago sa tatlong relihiyon sa buong daigdig na itinatag sa Gitnang Silangan. Ang dalawa pang itinatag sa Gitnang Silangan ay ang Hudaismo at Kristiyanismo. Katulad ng mga Hudyo at Kristiyano, naniniwala ang mga Muslim na iisa lamang ang diyos. Kaya naman tinawag ang tatlong ito na monoteistikong relihiyon.
Ang Islam ay ang pangalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo, nauuna ang Kristiyanismo. Mayroong humigit-kumulang 1.7 bilyong tao sa mundo na naniniwala sa Islam. Ang mga taong sumasampalataya sa Islam ay tinatawag na mga Muslim. Ang pamayanang Islam ay tinatawag na umma sa wikang Arabo. Ang Umma ay maaaring hatiin sa dalawang pangunahing grupo. May mga Sunni Muslim at Shia Muslim. Itinatag ni Propeta Mohammed ang Islam noong taong 610 AD. Nangyari ito sa Mecca, ang lungsod kung saan siya ipinanganak. Matatagpuan ang Mecca sa Saudi Arabia. Namatay si Mohammed noong 632 AD.
Ang Koran at Hadith
Ang Koran ang pinakamahalagang banal na aklat sa Islam. Ayon sa Islam, ang Koran ay naglalaman ng mga pahayag na natanggap ni Propeta Muhammad mula sa diyos. Ang Koran ay orihinal na isinulat sa wikang Arabo.
Ang Koran ay binubuo ng 114 na mga sura. Ang mga sura ay nakaayos ayon sa kung gaano kahaba ang mga ito. Nauuna ang pinakamahaba at nasa huli ang pinakamaikli. Ang unang sura ay natatangi dahil ito ay binubuo ng maikling pambungad na panalangin na al-Fatiha. Hinahalikan ng mga Muslim ang Koran bago ito basahin.
Sa mga siglo pagkatapos mamatay ni Mohammed, ang mga ulat ng kanyang sinabi o ginawa ay isinulat sa mga aklat na tinatawag na hadith. Pinapakita ng Koran at ng Hadith kung ano ang tama at mabuting paraan ng pamumuhay para sa mga Muslim.
Ang Limang Haligi
Ang Islam ay isang relihiyon ng batas. Nangangahulugan ito na ang mga batas at regulasyon ang nagpapasya kung ano ang tama at mali at kung ano ang dapat gawin ng mga Muslim. Ito ay inilarawan sa limang haligi ng Islam.
Ang Kredo
Ang kredo o shahada ay ang una sa mga haligi ng Islam. Mababasa ito sa Arabo na: “Ashhadw ana la ila Allah wa ashhadw ana Mohammad rasol Allah.”. Sa Norwegian, ito ay nangangahulugan: “Walang diyos maliban kay Allah, at si Muhammad ang kanyang propeta”.
Dasal
Ang pangalawang haligi ay ang dasal o panalangin. Ang mga Muslim ay dapat manalangin sa Diyos ng limang beses sa isang araw. Ang mga Muslim ay nagdarasal sa isang karpet para sa panalangin na kanilang inilalapag at ang kanilang katawan ay nakaharap sa Mecca.
Mahalagang maging malinis bago magdasal. Ang mga panalangin ay nasa wikang Arabo at naglalaman ng mga teksto mula sa Koran. Sa panalangin, ang katawan ay ginagalaw sa mga takdang posisyon: tumayo, yumuko, lumuhod na ang noo at mga kamay ay nasa lupa, at umupo. Ang Biyernes na dasal ay sama-samang pananalangin sa moske tuwing Biyernes ng tanghali. Ang Biyernes na dasal ay isa sa limang araw-araw na oras ng panalangin. Maliban sa sama-samang panalangin, nakikinig rin sila sa sermon. Ang taong namumuno sa pagdarasal at nangangaral ay tinatawag na imam.
Kontribusyon sa Kapakanan ng Kapwa Tao
Ang ikatlong haligi ay ang kontribusyon sa kapakanan ng kapwa tao o Zakat. Ang Zakat ay isang buwis na binabayaran ayon sa dami ng pera, alahas at ari-arian ng isang tao. Ang pera ay ibinibigay sa mga taong nangangailangan.
Ang Ayuno
Ang pag-aayuno ay ang ikaapat na haligi ng Islam. Ang pag-aayuno ay nasa buwan ng Ramadan, na nangangahulugan na hindi ka dapat kumain o uminom mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw. Ang mga bata ay hindi kinakailangang mag-ayuno. Paglubog ng araw, nagtitipun-tipon ang pamilya para sa hapunan na tinatawag na iftar. Sa Ramadan, mahalagang magpakita ng pasasalamat sa kung ano man mayroon ka at maging maawain sa mga taong mahihirap.
Paglalakbay sa banal na lugar
Ang ikalimang haligi ay ang paglalakbay sa Mecca. Ang layunin nito ay isagawa ang Hajj. Mayroong ilang mga ritwal na nauugnay sa Hajj. Ang lahat ng mga ritwal ay dapat makumpleto upang ang paglalakbay ay maituturing na ang pagsasagawa ng hajj ay wasto. Isang halimbawa na ritwal ay ang lumakad at ikutin ng pitong beses ang Kaaba. Ang Kaaba ay sagrado dahil naglalaman ito ng itim na bato. Ayon sa Islam, ang bato ay mula sa langit at dinala sa lupa ng anghel na si Gabriel.
Ang mga Muslim ay dapat maglakbay sa banal na lugar minsan sa kanilang buhay, kung mayroon silang pagkakataon. Mga tatlo hanggang apat na milyon Muslim ang naglalakbay sa Mecca bawat taon.
Kaba ligger inne i hovedmoskeen i Mekka. Bilde: Pixabay, Konevi