Bihisan ang mga bata sa taglamig

Pinakamainam na bihisan ang mga bata ng tatlong patong na damit upang manatili silang mainit at tuyo. Ang bawat patong, mula sa panloob hanggang sa panglabas, ay may natatanging gamit. Ang mga patong na ito ay pinapanatiling tuyo ang katawan, panangga at pamprotekta laban sa hangin at niyebe.

Illustrasjon av ei jente med ullundertøy

Ang pinakaloob na patong

Ang pinakaloob na patong ay tumutulong na panatilihing tuyo ang katawan.

Magsuot ng panloob na gawa sa lana o super underwear na manipis at hapit na dikit sa balat. Ang lana ang nagproprotekta na hindi mahalumigmigan ang balat at sinasangga nito ang lamig kahit na basa. Ang super underwear ay mas nagproprotekta laban sa halumigmig kaysa sa gawang lana, ngunit hindi nito sinasangga ang lamig kapag basa. Iwasang gumamit ng algudon o koton na panloob dahil kapag ito ay nababasa, hindi nito kayang panatilihin ang init sa katawan.

Illustrasjon av ei jente med ullegenser og bukse

Ang gitnang patong

Ang gitnang patong ang pangunahing panangga laban sa malamig.

Ang hangin sa pagitan ng pinakaloob at pinakalabas na mga patong ang nagpapanatili sa init. Kaya ang mga damit sa gitnang patong ay dapat maluwang ng kaunti sa katawan, ngunit hindi masyadong malaki. Inirerekomenda ang lana o fleece. Iakma ang kapal ng suot ayon sa temperatura.

Gumamit ng mga medyas na gawa sa lana upang manatiling tuyo at mainit ang mga paa.

illustrasjoon som viser jente i en gul vinter dress med blå lue og blåe votter. Hun har også på brune vintersko

Ang pinakalabas na patong

Ang pinakalabas na patong ay pamprotekta laban sa hangin, ulan at niyebe.

Maaari kang pumili ng one-piece suit o diyaket at pantalon. Ang panlabas na pantalon o one-peice suit ay dapat na may mga istrap o tali na maaaring ikabit sa ilalim ng sapatos upang hindi dumulas pataas ang mga ito nang sa ganun hindi pumasok ang niyebe at tubig.

Dahil ang init ng katawan ay lumalabas sa ulo, mahalaga ang sumbrerong panangga upang mapanatiling mainit ang buong katawan. Siguraduhing kasya at dikit ang sumbrero sa mga tainga at natatakpan nito ang noo, pisngi at leeg. Maaari ka ring magsuot ng bandana o pamigkis na bandana upang maprotektahan ang iyong leeg.

Gumamit ng mainit at hindi tinatablan ng tubig na guwantes at tiyaking kasyang-kasya ang mga ito para hindi makapasok ang tubig at niyebe. Kailangang naigagalaw ng mga bata ang kanilang mga daliri sa paa upang mapanatiling mainit ang kanilang mga paa. Mahalaga rin na mayroong sapat na puwang ang mga sapatos, kahit nakasuot ng makapal na lanang medyas.

Husk:

  • Kung mahangin, mas malamig ang pakiramdam.
  • Ang maliliit na bata ay mas madaling lamigin kaysa sa mga matatanda.
  • Mas mababa ang temperatura kapag mas malapit sa lupa.
  • Subaybayan ang bata at hipuin ang leeg nito kung katamtaman ang init ng bata.

Denne siden er også utskriftsvennlig. Trykk på “skriv ut” knappen øverst i innlegget.

Les mer om klær og påkledning i vinterkulda på flere språk her

Kle barna i vinterkulda

Pinakamainam na bihisan ang mga bata ng tatlong patong na damit upang manatili silang mainit at tuyo. Ang bawat patong, mula sa panloob hanggang sa panglabas, ay may natatanging gamit. Ang mga patong na ito ay pinapanatiling tuyo ang katawan, pananggalang at pamprotekta laban sa hangin at niyebe.

Illustrasjon av ei jente med ullundertøy

Ang pinakaloob na patong

Ang pinakaloob na patong ay tumutulong na panatilihing tuyo ang katawan.

Magsuot ng panloob na gawa sa lana o super underwear na manipis at hapit na dikit sa balat. Ang lana ang nagproprotekta na hindi mahalumigmigan ang balat at sinasangga nito ang lamig kahit na basa. Ang super underwear ay mas nagproprotekta laban sa halumigmig kaysa sa gawang lana, ngunit hindi nito sinasangga ang lamig kapag basa. Iwasang gumamit ng algudon o koton na panloob dahil kapag ito ay nababasa, hindi nito kayang panatilihin ang init sa katawan.

Illustrasjon av ei jente med ullegenser og bukse

Ang gitnang patong

Ang gitnang patong ang pangunahing panangga laban sa malamig.

Ang hangin sa pagitan ng pinakaloob at pinakalabas na mga patong ang nagpapanatili sa init. Kaya ang mga damit sa gitnang patong ay dapat maluwang ng kaunti sa katawan, ngunit hindi masyadong malaki. Inirerekomenda ang lana o fleece. Iakma ang kapal ng suot ayon sa temperatura.

Gumamit ng mga medyas na gawa sa lana upang manatiling tuyo at mainit ang mga paa.

illustrasjoon som viser jente i en gul vinter dress med blå lue og blåe votter. Hun har også på brune vintersko

Ang pinakalabas na patong

Ang pinakalabas na patong ay pamprotekta laban sa hangin, ulan at niyebe.

Maaari kang pumili ng one-piece suit o diyaket at pantalon. Ang panlabas na pantalon o one-peice suit ay dapat na may mga istrap o tali na maaaring ikabit sa ilalim ng sapatos upang hindi dumulas pataas ang mga ito nang sa ganun hindi pumasok ang niyebe at tubig.

Dahil ang init ng katawan ay lumalabas sa ulo, mahalaga ang sumbrerong panangga upang mapanatiling mainit ang buong katawan. Siguraduhing kasya at dikit ang sumbrero sa mga tainga at natatakpan nito ang noo, pisngi at leeg. Maaari ka ring magsuot ng bandana o pamigkis na bandana upang maprotektahan ang iyong leeg.

Gumamit ng mainit at hindi tinatablan ng tubig na guwantes at tiyaking kasyang-kasya ang mga ito para hindi makapasok ang tubig at niyebe. Kailangang naigagalaw ng mga bata ang kanilang mga daliri sa paa upang mapanatiling mainit ang kanilang mga paa. Mahalaga rin na mayroong sapat na puwang ang mga sapatos, kahit nakasuot ng makapal na lanang medyas.

Husk:

  • Kung mahangin, mas malamig ang pakiramdam.
  • Ang maliliit na bata ay mas madaling lamigin kaysa sa mga matatanda.
  • Mas mababa ang temperatura kapag mas malapit sa lupa.
  • Subaybayan ang bata at hipuin ang leeg nito kung katamtaman ang init ng bata.

Basahin sa iba pang wika ang tungkol sa mga damit at pananamit sa pamamagitan ng pag scan sa QR code.

morsmal.no

Gusto mo ba ng boklet tungkol sa mga damit sa taglamig sa ibang wika?

No posts