FNs bærekraftsmål // Mga sustenableng layunin ng FN

Ressursen er utviklet i samarbeid med FN-sambandet.


Lipulin ang kahirapan

ikoner av personer i alle aldre

Lipulin ang kahirapan
Maraming tao ang nabubuhay sa sobrang hirap. Dapat pantay-pantay na bigyan ang lahat ng edukasyon, trabaho at tulong pangkalusugan para malipul ang kahirapan. Bukod dito kailangan din na mas kaunti ang pagkakaiba ng mga mahihirap at mayayaman – kailangang ipamahagi ang pera nang mas mabuti, maging sa loob ng bansa gayunman sa bawat bansa.


Walang dapat magutom

Illustrasjon av en suppebolle med varmt innhold

Lipulin ang kagutuman
Marami ang taong apektado ng kagutuman, at dumarami sila taun-taon. Karamihan ng mga batang namamatay ay namamatay dahil sa maling pagkain o kulang sa pagkain. Dapat nating siguraduhin na ang lahat ng tao ay makakakain nang sapat.


Mabuting kalusugan para sa lahat

Illustrasjon av en livslinje med et hjertet

Mabuting kalusugan at kapaki-pakinabang na buhay
Patuloy na gumagaling ang kalusugan ng mga tao sa buong mundo. Dumarami ang nababakunahan at pahaba nang pahaba na rịn ang buhay ng mga tao. Para makamit ng lahat ang mabuting kalusugan, kailangan mabigyan ng tulong ang lahat ng tao at mabigyan sila ng kailangang gamot.


Lahat ay tatanggap ng maiging pagtuturo sa paaralan

Illustrasjon av en bok og en blyant

Magandang kalidad na edukasyon
Mabuti na lang at mas maraming bata na ang nakakapag-aral sa paaralan ngayon kaysa noon. Gayunpaman, napakaraming bata pa rin ang hindi marunong bumasa at sumulat. Dapat patuloy na pagsikapan ng mga bansa sa buong mundo na magtrabaho upang matiyak na ang lahat ng mga bata ay may pantay na pagkakataon para sa mabuti at libreng edukasyon.


Ang mga babae at lalaki ay may patas na pagkakataon para sa magandang buhay

Illustrasjon en tegnet for kjnønn med erlikhetstegn i midten

Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian
Ang mga karapatang pantao ng UN ay para sa lahat ng tao. Gayunpaman, mas maraming babae sa mundo ang mahihirap kaysa sa mga lalaki. Mas marami rin ang mga lalaki kaysa sa mga babae na nakakapag-aral. Upang makamit ang layunin ng pagkakapantay-pantay, ang mga babae at lalaki ay dapat magkaroon ng parehong posibilidad sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at trabahong may sweldo.


Lahat ay may malinis na tubig at sanitasyon.

Illustrasjon ev vannbeger som tømmes

Malinis na tubig at sanitasyon
May sapat na sariwang tubig sa ating planeta, ngunit hindi lahat ay may akseso sa malinis na inuming tubig. Taun-taon, milyun-milyong tao ang namamatay sa mga sakit na nakukuha nila dahil wala silang akseso sa malinis na tubig at sanitasyon o kubeta. Samakatuwid, dapat tayong magtayo ng mga sistema ng tubig at imburnal kung saan ito ay kulang.


Lahat ay makakagamit ng elektrisidad na hindi makakapinsala sa hangin at mundo.

Illustrasjon av en sol med en på- knapp i midten

Malinis na enerhiya para sa lahat
Tayong mga tao ay nangangailangan ng enerhiya para sa ilaw, init at pagluluto. Malaking bahagi ng populasyon ngayon ang gumagamit ng nakakapolusyong enerhiya para sa pagluluto, at sila ay nalalantad sa mapanganib na polusyon sa hangin. Ang tubig, hangin at araw ay mapagkukunan ng mga enerhiyang napapalitan at maaaring mag-ambag para makamit ang sustenableng layuning sa pag-unlad.


Lahat ay may matiwasay na trabaho at kumikita nang sapat.

Illustrasjon av en graf som går oppover

Disenteng trabaho at maunlad na ekonomiya
Maraming tao ang nagtatrabaho sa isang lugar na hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan at mga karapatan ng mga manggagawa. May mga batang nabibiktima ng sapilitang pagtratrabaho. Dapat magkaroon ang lahat ng ligtas at patas na trabaho upang mapuksa ang kahirapan at labanan ang hindi pagkakapantay-pantay sa mundo.


Kailangan nating mag-imbento ng mga bagong bagay at magtayo ng mabubuting sistema

Illustrasjon av 4 kuber som stables

Industriya, inobasyon at imprastruktura
Para gumana ang isang lipunan, kinakailangang magkaroon ng magagandang sistema para sa trapiko, paliparan, riles, tubo ng tubig, imburnal, mga pasilidad sa pagtatapon ng basura, enerhiya at internet. Upang makamit ang layuning ito, dapat nating tingnan kung paano magagawa ng lahat ng mga bansa ang pinakamahusay na posibleng paggamit ng kanilang mga likas na kayamanan at kanilang industriya.


Dapat bawasan ang agwat ng mahihirap at mayayaman.

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 10. Tegning av en firkant med et er-lik-tegn inni.. Tekst: Mindre ulikhet

Bawasan ang hindi pagkakapantay-pantay
Mas malaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap ngayon kaysa noon. Malaki ang agwat at pagkakaiba sa loob ng isang bansa gayunpaman sa bawat bansa. Upang makamit ang layunin ng pagkakapantay-pantay, lahat ay dapat magkaroon ng pantay na akseso sa paaralan at pangangalagang pangkalusugan. Bilang karagdagan, ang mga pag-aaring yaman ng bansa ay dapat na ipamahagi nang mas patas.


Ang mga lungsod ng mundo ay dapat pangalagaan ang mga tao at daigdig.

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 11. fire forskjellige hus eller bygninger. Tekst: Byer og lokalsamfunn

Likas-kayang mauunlad na mga lungsod at pamayanan
Mahigit kalahati ng populasyon sa mundo ang nakatira sa mga lungsod. Napakabilis ng paglaki ng mga lungsod kaya walang sapat na trabaho at bahay para sa lahat. Dapat tayong bumuo ng likas-kayang mauunlad na mga lungsod na isinasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga tao, habang hindi nakakapinsala sa klima.


Huwag tayong gumawa at gumamit nang higit pa sa ating pangangailangan.

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 12. Tegning av en pil som er formet som tegnet for uendelig. Tekst: Ansvarlig forbruk og produksjon

Responsableng pagkonsumo at produksyon
Tayo ngayon ay komokunsumo ng higit pa sa kaya ng planeta. Tinatapon natin ang sangkatlong (1/3) bahagi ng pagkain na ginawa. Para tayo mabuhay nang maayos, ngayon at sa hinaharap, dapat nating baguhin ang ating pamumuhay at bawasan ang ating mga kinokonsumong bagay. Kinakailangan na ang bawat tao at mga kumpanya ay magbawas ng kanilang mga ginagamit para pangalagaan ang klima.


Lahat ng bansa ay dapat magtulungan upang mahinto ang pagbabago ng klima

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 13. Tegning avjordkloden. Tekst: Stoppe klimaendringene

Itigil ang pagbabago ng klima
Ang paraan ng pamumuhay nating mga tao ay sumisira sa klima. Ang panahon ay umiinit, ang mga polong hilaga at timog ay natutunaw, ang dagat ay tumataas at ang mga natural na sakuna at matinding panahon ay nagiging karaniwan na. Ang mga pinakamahirap na bansa ang naaapektuhan nang malubha. Ang lahat ng mga bansa ay dapat magtulungan upang mabawasan ang paglabas ng greenhouse gas. Bilang karagdagan, dapat nating tulungan ang mga bansang napipinsala dahil sa pagbabago ng klima.


Ang buhay sa ilalim ng tubig ay dapat alagaang mabuti.

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 14. Tegning av en fisk som svømmer. Tekst: Livet i havet.

Buhay sa dagat
Ang buhay sa mundo ay nakasalalay sa dagat. Ang temperatura, ang agos ng karagatan at ang buhay sa dagat ay dahilan na tayong mga tao ay maaaring mabuhay sa lupa. Samakatuwid, dapat nating protektahan ang buhay sa dagat, sa halip na magkalat ng basura at dumihan ito.


Ang buhay sa lupa ay dapat alagaang mabuti.

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 15. Tegning av et tre og noen fugler som flyr. Tekst: Livet på land

Buhay sa lupa
Ang malaking bahagi sa ibabaw ng mundo ay kagubatan. Ang kagubatan ay tahanan ng karamihan ng mga hayop at pinagmumulan ng pagkain ng mga hayop at tao. Upang mapangalagaan ngayon ang buhay sa lupa, dapat nating protektahan ang mga mauulang gubat, magtanim ng mas maraming puno at siguraduhing hindi lalawak ang mga disyerto sa lupa. Dapat din nating protektahan at pangalagaan ang mga uring nanganganib malipul.


May kapayapaan at katarungan sa buong mundo

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 16. Tegning av en hvit due som har en kvist i nebbet og sitter på en hammer. Tekst: Fred, rettferdighet og velfungerende institusjonerog

Kapayapaan, katarungan at mga institusyon na mahusay magpalakad
Kung walang kapayapaan at katarungan, imposibleng lumikha ng likas-kayang pag-unlad. Mas maraming tao ngayon ang tumatakas sa sariling bansa kaysa dati. Upang makamit ang layunin ng kapayapaan at katarungan, dapat lumikha ang mundo ng mga lipunang mapayapa na nangangalaga sa lahat.


Dapat magtulungan ang mga mayayaman at mahihirap na bansa

Ikon. FNs bærekraftsmål nummer 17. Tegning mange ringer som delvis overlapper hverandre. Tekst: Samarbeid for å nå målene-

Pagtutulungan para maabot ang mga adhikain
Mahalaga ang pakikipagtulungan para makamit ng lahat ng bansa ang mga sustenableng layunin. Ang mga awtoridad, kumpanya at lahat ng mamamayan ay dapat na magtulungan sa kani-kanilang sariling bansa at makipagtulungan sa iba’t-ibang bansa. Naniniwala ang FN na ang ganitong sama-samang pagsisikap na may malinaw na layunin ay nagbubunga ng mga resulta.