Rettsstaten//Ang Pananaig ng Batas
Lahat ng bansa ay may mga batas at regulasyon na dapat sundin ng mga mamamayan. Ngunit may ilang mga bansa na ang mga patakaran ay hindi pantay para sa lahat ng mga nakatira roon. Sa mga bansang ito, maaaring makulong ang ibang mamamayan nang walang dahilan, habang ang iba naman ay maaaring lumabag sa batas nang hindi pinaparusahan.
Hindi ganito ang kaso sa Norway. Ito ay dahil ang Norway ay isang estado na may pananaig ng batas. Nangangahulugan ito na parepareho ang mga patakaran na dapat sundin ng lahat, at tinitiyak ng mga korte na ang mga lumalabag sa batas ay mapaparusahan.
Sa mga bansang hindi pinapamahalaan ng pananaig ng batas, hindi sinusunod ang mga batas sa parehong paraan. Sa mga bansang ito, halimbawa, ang mayayaman o mga makapangyarihang tao ay maaaring tumakas sa parusa sa pamamagitan ng pagbabayad sa pulis o sa hukom.
Kung may mga nagmamaneho na lampas sa itinakdang bilis at pinahinto ng pulis, maaari silang magbayad sa pulis upang hindi maisuplong ang kaso. Ito ay tinatawag na suhol. O kung kilala nila marahil ang hukom sa paglilitis, makakakuha sila sa gayon ng mas magaan na sentensiya.
Sa mga bansang hindi pinapamahalaan ng pananaig ng batas, maaari ring ikulong ng pulisya ang mga tao nang hindi nilalabag ang batas. Ito ay maaaring mangyari kung ikaw ay may ibang pananaw sa politika o ibang relihiyon kaysa sa mga may kapangyarihan.
Hindi ganito ang kaso sa Norway. Ang lahat dito ay nakakakuha ng patas na paglilitis kung sila ay inakusahan ng paglabag sa batas at tinitiyak ng pulisya na ang batas ay pantay-pantay para sa lahat, sila man ay mayaman o may kapangyarihan.
Kapag ang punong ministro sa Norway ay nagmaneho nang napakabilis, siya ay mapaparusahan sa parehong paraan tulad ng iba. Ganyan ang mamuhay sa estado na pinamamahalaan ng pananaig ng batas.
Mga tanong
- Bakit mapanganib ang manirahan sa isang estado ng pulisya?
- Anong klase ang relasyon ng mamamayan sa pulisya sa pinanggalingan mong bansa?
Talahuluganan
Estadong may pananaig ng batas – Isang estado kung saan ang batas ay pantay para sa lahat
Demanda o kaso – Isang hindi pagkakaunawaan na pagpapasyahan ng isang hukom sa isang korte
Estado ng pulisya – Isang estado kung saan maaaring ikulong at parusahan ng mga namumuno at pulisya ang sinumang gusto nila
Panunuhol – Ilegal na pagbabayad sa isang empleyado ng gobyerno para tulungan ka
Tekst og bilder er oversatt og publisert etter avtale med Zmekk.no