Svømming i skolen //Ang Pagtuturo ng Paglangoy sa Paaralan
Sa pisikal na edukasyon, ang mga mag-aaral ay tinuturuan lumangoy sa loob at labas ng paaralan. Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad, matututo ang mga mag-aaral na maging ligtas sa paligid at sa tubig.

Sa loob, ang pagsasanay ay nagaganap sa isang pool. Magkakasama ang mga lalaki at babae, ngunit nagpapalit sila ng damit panlangoy sa sarili nilang locker room. Sa locker room, maghuhubad ka at maliligo bago magsuot ng damit panlangoy. Ang mga mag-aaral ay kailangang magdala ng sabon, tuwalya at damit panlangoy tulad ng swimsuit/burkini/pantalong-panlangoy o shorts).

Sa labas ang pagsasanay ay nagaganap sa tubig-dagat o sariwang tubig. Magkakasamang nagsasanay ang mga lalaki at babae, ngunit hiwalay sila kung magpapalit ng damit panlangoy. Ang mga damit panlangoy ay nag-iiba ayon sa panahon.

Sa pagsasanay, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng mga kasanayan sa paglangoy, pag-iwas at paghawak sa mga sitwasyon kapag sila ay nasa tubig at paligid ng tubig. Ang mga ito ay mahalagang kasanayan na dapat taglayin kapag lumalangoy kasama ang mga kaibigan sa kanilang libreng oras.

Bilang magulang/tagapag-alaga, mahalaga ka sa edukasyon ng iyong anak. Makipag-ugnayan sa paaralan kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagtuturo ng paglangoy sa paaralan.

For mer informasjon om opplæring svømming, se svømmedyktig.no
Utviklet av Nasjonalt senter for mat, helse og fysisk aktivitet i samarbeid med Nasjonalt senter for flerkulturell opplæring. Illustrasjoner av Thomas Madsen.