Mesopotamia // Mesopotamya
Ang mga ilog na Eufrat at Tigris ay matatatagpuan ngayon sa mga bansang Turkey, Iraq at Syria. 6,000 taon na ang nakalilipas, ang malalaking bahagi ng mga lugar na ito ay tinawag na Mesopotamya, na nangangahulugang “lupain sa pagitan ng mga ilog”.
Ang klima sa lugar na ito ay palaging mainit at maganda, ngunit masyadong tuyo. Gayunpaman, karamihan sa mga prutas na ibinebenta sa Norway ay nagmumula sa lugar na ito. Mataba ang lupa rito. Paano ito naging parehong tuyo at mataba?
Siguradong nahulaan mo na ang dahilan nito ay dahil sa mga ilog. Kung wala ang malalaking ilog, mas lalawak ang disyerto sa lugar, kaya halos walang tutubo doon.
Sa tagsibol, ang mga ilog ay nababaha kapag ang niyebe sa mga bundok ay natunaw. Tumaas ang tubig at umapaw sa mga pampang nito. Nang humupa ang tubig at bumalik sa normal na lapad ang mga ilog, naiwan ang matabang putik sa mga bukirin. Ang putik na ito ay naglalaman ng maganda at masaganang lupa.
Ang mga tao ng Mesopotamya ay nakatuklas ng maraming magagandang pamamaraan at kasangkapan upang magamit ang tubig sa pinakamahusay na posibleng paraan. Dahil sa pagkakaroon nila ng labis na tubig, maaari nilang patabain ang lupa at mapalago ang halos anumang gusto nilang itanim. Bukod dito, maraming isda sa mga ilog.
Ang mga unang magsasaka
Ang mga taong nanirahan sa Mesopotamya ay ang mga unang magsasaka. Sila ang unang nagsimulang magtanim ng trigo. Sa pamamagitan ng pag-aararo, pagdidilig at paggamit ng abono sa lupa, natuklasan nila na ang lupa ay naging mataba. Dahil dito, maaari silang umani ng mga butil ng trigo nang maraming beses sa loob ng isang taon. Kung mas marami ang naaani at mas maraming pagkain, nangangahulugan ito na maaari silang magtipon at mag-imbak ng pagkain para magamit nila sa kinabukasan. Upang matulungan sila sa kanilang trabaho, gumamit sila ng mga hayop tulad ng mga baka at kabayo. Ang mga tao sa Mesopotamya ang unang nagsimulang mag-alaga ng hayop.
Maraming mapagkukunan ng ikabubuhay sa Mesopotamya na naging dahilan para piliin ng karamihan na lumipat doon. Sa ganitong paraan nabuo ang mga unang lungsod sa mundo. Ito ay maraming libong taon na ang nakakalipas. Nang maglaon, ang mga lungsod ay naging maayos. Mayroon din silang mga paaralan at hukbo ng mga kawal. Ang Mesopotamya ay kilala sa mga templo nito na tinatawag na ziggurats, at iba pang kahanga-hangang mga imprastraktura. Ang mga tao ay may iba’t ibang hanapbuhay. Tinatawag ang mga tao ng Mesopotamia na unang mga taong may kultura.
Mga imbensiyon
Sa pinakatimog ng Mesopotamya ay ang bansang Sumer. Ang mga Sumeryan ay may mga mahahalagang naimbento sa larangan ng matematika at heometriya. Gumawa sila ng isang sistema ng numero na ang batayang numero ay ang bilang na 60. Ginagamit natin ang ilan sa mga ito ngayon. Ang isang oras ay may 60 minuto at ang isang minuto ay may 60 segundo. Hinahati natin ang bilog sa 360 na grado.
Sistema ng numero na ang batayang numero ay 60.
Sa pagitan ng 3500 at 3000 BC bumuo sila ng sistema ng pagsulat na tinatawag na kuneiporma. Noong una, ang kuneiporma ay larawang sulat. Sa kalaunan, ito ay pinasimple at ang mga imahe ay pinalitan ng mga titik. Ginawang sulatan ng mga Sumerean ang mga tabletang luwad at bato. Ang sining ng pagsulat ay lumaganap sa silangan at kanluran hanggang sa iba pang mga lugar tulad ng Ehipto. Ang gulong at ang araro ay kabilang sa mga imbesyon. Dagdag pa rito, naglalagay sila ng mga kilya sa kanilang mga bangka kaya hindi madaling tumaob ang mga ito. Nagsimula silang gumamit ng mga layag kaya hindi na nila kailangan laging magsagwan.
Mga lungsod
Ang mga Sumeryan ay nagtayo ng mga magagandang lungsod. Ang pinakamalaking lungsod sa Sumer ay tinawag na Uruk. Ang lungsod ng Ur ay isa pang mahalagang lungsod ng kalakalan na konektado sa dagat. Ang bawat lungsod ay kadalasang malaya na hiwalay sa estado at may sariling hari. Ang mga hari ay makapangyarihan dahil sila rin ang mga pinuno ng relihiyon. Sa mga lunsod nanirahan ang hari, ang kanyang mga tagapaglingkod, ang mga pari at ang mga manggagawa.
Kadalasan mayroong mga pader sa paligid ng buong lungsod upang maprotektahan ito laban sa mga kaaway. Ang mga magsasaka na naninirahan sa paligid ng lungsod ay kailangang magbayad ng buwis sa hari tulad ng trigo, karne, isda at gulay. Ang mga Sumeryan ay hindi gumamit ng pera sa kalakalan. Nagpapalitan sila ng mga produkto na kailangan nila. Ang mga mangangalakal ay naglayag papunta sa ibang bansa at ipinagpalit sa tanso at ginto ang kanilang mga produkto. Ipinagpalit ng mga artisan sa pagkain ang mga produktong nilang seramika, alahas, damit at iba’t ibang gamit sa bahay.
Mga mahahalagang salita sa teksto
ayusin
nangangahulugan ng pagsasaayos ng isang bagay upang makabuo ng isang natural na kabuuan.
pagsamahin
nangangahulugan na pagsamahin, ipunin, mamitas para sa isang tiyak na layunin.
mag-imbak
ibig sabihin ay mag-tago ng pagkain para magamit sa ibang pagkakataon
gawing simple
gawing simple ang isang bagay.
nalikha
nangangahulugan na ang isang bagay ay nalikha, nagsimula o nangyari.
mapakinabangan
nangangahulugang mapakinabangan ang isang bagay, gamitin ito para makapagbigay sa iyo ng isang bagay.
pagtanim
nangangahulugan ng pagtatanim ng halaman para may maaani
makipagpalitan
ibig sabihin ay makipagpalitan, magbigay ng isang bagay at kumuha ng iba
anihin
ibig sabihin ay anihin ang pananim
bumaha
ibig sabihin ay bumaha, umaapaw ang tubig.
pagtaas/pagbabawas
Ang pagtaas ay nangangahulugan na lumalaki. Ang pagbabawas ay nangangahulugan na may bumababa.
pag-aabono
nangangahulugan ng pagdaragdag ng mga abono sa lupa upang mas lumago ang mga halaman.
Ilustrasjon1: Karl Musser, translated labels by User:Mathias-S, CC BY-SA 2.5, via Wikimedia Commons