Valg og politiske partier // Halalan at mga Partidong Pampolitika
Si Nora ay 18 taong gulang na at maaari nang bumoto sa halalan. Hindi siya sigurado kung anong partido ang angkop sa kanya.
Maraming ibat-ibang partidong pampolitika. Para malaman kung alin ang kanyang iboboto, binabasa ni Nora ang mga programa ng mga partido. Ang mga programa ng mga partido ay buod na ginagawa ng mga partido upang ipakita kung ano ang kanilang opinyon at kung paano nila tutuparin ang nais nilang gawin. Bukod dito sinusubaybayan ni Nora ang mga pahayagan at telebisyon bago ang halalan. Nagpupulong ang mga pinuno ng ibat-ibang partido sa mga debate kung saan tinatalakay nila ang mahahalagang usapin sa politika. Ang bawat partido ay sinisikap na kumbinsihin ang publiko na dapat silang iboto.
May halalan sa Norway tuwing ikalawang taon, at mayroong dalawang magkaibang uri ng halalan. Sa bawat pangalawang pagkakataon ay may halalan para sa Parlyamento at ganoon din sa lokal na halalan sa bawat pangalawang pagkakataon. Ang lahat ng mamamayang Norwego na higit sa edad na 18 ay maaaring bumoto sa halalan ng Parlyamento. Sa lokal na halalan naman, ang lahat na higit 18 taong gulang na naninirahan sa Norway ng hindi bababa sa 3 taon ay maaaring bumoto.
Sa halalan ng Parlyamento ay iboboto mo kung aling partido ang makakakuha ng pinakamaraming kinatawan sa Parlyamento. Ang mga partido na makakakuha ng pinakamaraming boto ay bubuo ng gobyerno at sila rin ang pipili kung sino ang magiging Punong Ministro. Ang Parlyamento at ang gobyerno ang nagpapasya sa mahahalagang bagay na may kinalaman sa buong bansa.
Isa sa pinakamahalagang isyu para kay Nora ay ang pagpapagawa ng mas maraming daanan ng bisekleta sa kanyang lugar. Hindi gawain ng Parlyamento at Gobyerno ang mga ganitong uring kaso. Kaya naman mayroong lokal na demokrasya ang Norway. Malapit ang pakikipag-ugnayan ng mga lokal na politiko sa mga mamamayan at pinakikinggan at iniaakma nila ang kanilang pamamalakad ayon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Sa lokal na halalan ay binuboto ang mga konseho ng distrikto at ang mga konseho ng munisipyo. Ang mga konseho ang namamahala sa mga distrikto at tinutulungan nila ang lahat ng munisipalidad na magkaroon ng kooperasyon. Bukod dito, tungkulin ng distrikto ang mga sekondaryang paaralan, museo at serbisyo sa kalusugan ng ngipin para sa lahat ng mga nakatira sa distrikto.
Ang mga konseho ng munisipyo ang namumuno sa mga munisipalidad. Ang mga partido na makakakuha ng pinakamaraming boto ay mabibigyan ng mga puwesto sa konseho ng munisipalidad. Ang bawat konseho ng munisipalidad ay pinangungunahan ng isang alkalde. Bukod sa iba pang mga bagay, tungkulin ng munisipalidad ang mga paaralan, tirahan para sa mga matatanda, serbisyong panlipunan, kindergarden at mga kalsada. Ang konseho ng munisipyo ang nagpapasya kung magpapatayo ng mas marami pang daanan ng bisekleta, sang-ayon sa kagustuhan ni Nora.
Nahanap ni Nora ang partido na pinaka-interesado sa mga daanan ng bisekleta at iboboto niya ito sa lokal na halalan. Kung makakakuha sila ng sapat na boto ay maaari silang magpatayo ng mga bagong daanan ng bisekleta sa munisipalidad.
Ordliste
Norsk | Tagalog |
---|---|
Partiprogram | Programa ng partido |
Oversikt over hva et politisk parti mener og vil jobbe for. | Buod kung ano ang opinyon at gagawin ng isang partidong pampolitika. |
Stortingsvalg | Halalan ng Parlyamento |
Valg av hvilke politiske partier som skal få plass på stortinget og danne regjering. | Halalan kung aling partidong pampolitika ang uupo sa Parlyamento at bubuo ng gobyerno. |
Lokalvalg | Lokal na halalan |
Valg av fylkesting og kommunestyre. | Halalan para sa konseho ng distrikto at konseho ng munisipyo. |
Fylke | Distrikto |
Et geografisk område. Fylkene er delt opp i kommuner. | Isang heograpikong lugar. Ang mga distrikto ay nahahati sa mga munisipalidad. |
Kommune | Munisipalidad |
Et geografisk område. Norge har mange hundre kommuner. | Isang heograpikong lugar. Ang Norway ay may maraming daang munisipalidad. |