Hva er demokrati? // Ano ang demokrasya?

Denne teksten finnes på flere språk. Teksten er en litt bearbeidet versjon av fagteksten med samme tittel på NDLA.no. NDLA er forkortelse for Nasjonal digital læringsarena. NDLA produserer gratis læringsressurser for videregående opplæring. Oversettelsene til ulike språk kan brukes i innledning til arbeid med temaet. Teksten kan også brukes sammen med tospråklig lærer for å aktivere elevenes kunnskaper om temaet, og til å bidra til at eleven lærer fagspråk.

Kilde: Zakariassen, E. S. (2024, 5. mars). Hva er demokrati?. NDLA. https://ndla.no/r/samfunnskunnskap/hva-er-demokrati/d3692431fa


Ang demokrasya ay nangangahulugang pamumuno ng bayan. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin kapag sinabing demokratiko ang isang bansa? Sapat na ba na lahat ay may karapatang bumoto, o may iba pa itong kahulugan?

Fotografi av en hånd som holder en stemmeseddel delvis inne i sen orange stemmeurne
Ang karapatang bumoto sa mga pampolitikong halalan ay isang pangunahing karapatan sa isang demokrasya.

Iba’t-ibang uri ng demokrasya

Itinuturing ng karamihan ng mga bansa sa mundo ang kanilang sarili na demokratiko. Ngunit kadalasan, hindi maayos ang pagpapatakbo ng kanilang demokrasya. Sa ilang pagkakataon, maaari nating tawagin ang mga ito bilang huwad na demokrasya. Ito ay mga bansang nagpapanggap na demokratiko—halimbawa, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng halalan—ngunit hindi talaga matatawag na demokrasya dahil sa malawakang pandaraya sa eleksyon, kakulangan ng mga karapatang pampulitika, o dahil sa ang tunay na kapangyarihan ay hawak ng iba at hindi ng mga hinalal na kinatawan ng bayan.

May dalawang pangunahing paraan ng pag-oorganisa ng isang demokrasya: direktang demokrasya at hindi direktang demokrasya (na tinatawag ding representatibong demokrasya)

Direktang demokrasya

Ang direktang demokrasya ay isang uri ng demokrasya kung saan ang mga isyung pampolitika ay direktang pinagpapasyahan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga reperendum o halalan. Sa kasalukuyan, walang bansa na ganap na direktang demokrasya, ngunit may ilan na mas madalas gumamit ng reperendum kaysa sa iba. Sa Norway, ang huling pambansang reperendum ay ginanap sa buong bansa noong 1994, kung kailan bumoto ang mga mamamayang Norwego laban sa pagiging kasapi ng EU.

Hindi direktang demokrasya

Ang hindi direkta o representatibong demokrasya ay isang uri ng demokrasya kung saan ang mamamayan ay pumipili ng mga kinatawan na mamumuno sa bansa para sa kanila. Lahat ng makabagong demokrasya ay pangunahing pinamamahalaan sa ganitong paraan.

Foto av en blå skive med teksten EU. til høyre står det Ja, og til venstre står det nei. Den røde pila står på nei-siden
Stemmerett i politiske valg er en grunnleggende rettighet i et demokrati

Paano masasabing demokratiko ang bansa?

Ang salitang demokrasya ay binubuo ng mga salitang Griyego na demos (mamamayan) at kratos (pamumuno), na nangangahulugang pamumuno ng bayan. Ang ideya na ang lahat ay dapat may kakayahang makialam sa kung paano pinamamahalaan ang lipunan ay nakabatay sa paniniwala na ang lahat ng tao ay may pantay na halaga—gaya ng ipinahayag sa Artikulo 1 ng Pandaigdig na Pahayag ng Karapatang Pantao ng UN.

Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at karapatan. Sila ay pinagkalooban ng katwiran at budhi, at makitungo sa isa’t isa sa diwa ng pagkakapatiran.” (Pandaigdig na Pahayag ng Karapatang Pantao, 1948, Artikulo 1)

Tatalakayin muna natin dito ang demokrasya bilang isang paraan ng pamamahala sa isang bansa. Makakakita rin tayo ng demokrasya o mga bagay na kahawig nito, sa mga samahang pang‑isports, sa mga kumpanya ng negosyo, sa paaralan, sa pamilya, at maging sa barkada.

Iniisip siguro ng karamihan na ang salitang demokrasya ay katumbas ng mga bansa na may eleksiyon kung saan ang mga mamamayan ay maaaring bomoto. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘taumbayan ang namumuno’ sa isang bansa? Para mas maunawaan ito, titingnan natin ang tatlong mahahalagang prinsipyong kailangang umiral upang maituring na demokratiko ang bansa.

  1. pantay na demokratikong karapatan
  2. pantay na demokratikong posibilidad
  3. pangangalaga sa interes ng bawat tao at ng mga minorya

Pantay na demokratikong karapatan

Ang pinaka-batayan para maituring na demokratiko ang isang bansa ay ang pagkakaroon ng pantay na demokratikong karapatan para sa lahat. Karaniwan, ang ‘lahat’ ay tumutukoy sa lahat ng mamamayang may edad sa bansa. Sinisiguro ang pantay na demokratikong karapatan sa pamamagitan ng karapatang bumoto, kalayaan sa pagpapahayag, at kalayaan na bumuo o sumali sa mga samahan.

Karapatang bomoto

Ang karapatang bumoto ay marahil ang pinakamahalagang pampolitikang karapatan sa isang demokrasya. Sa Norge, halimbawa, lahat ng mamamayang Norwego na higit sa 18 taong gulang ay may karapatang bumoto sa stortingsvalg. Maraming halimbawa ng mga grupong hindi nagkaroon ng karapatang bumoto. Ang mga kababaihan, mahihirap, at iba’t ibang etnikong grupo ay matagal na hindi pinayagang lumahok sa halalan sa maraming bansa — kabilang na ang Norge. Sa ilang bansa, ganito pa rin ang kalagayan hanggang ngayon. Ang ganitong mga limitasyon sa karapatang bumoto ay nagpapahina sa pagiging demokratiko ng isang bansa.

Para magkaroon ng tunay na saysay ang karapatang bumoto, mahalaga na ang halalan ay isinasagawa sa paraang itinuturing na demokratiko at makatarungan. Kailangan ding may mga mekanismong pumipigil sa pandaraya at manipulasyon, na tinatawag na valgfusk o eleksiyong dinadaya. Dapat ding magkaroon ng epekto ang resulta ng halalan sa pulitikang isasagawa sa bansa. Ibig sabihin, ang mga nahalal ng bayan ay dapat may tunay na kapangyarihan. Walang saysay ang pagkakaroon ng halalan kung may ibang grupo o tao ang totoong may kapangyarihan sa bansa, at hindi ang mga nahalal ng bayan.

foto av en kvinnehånd som holder fram pekefinger som er merket med blekk
I mange land merker man fingeren med blekk for å hindre at folk skal stemme flere ganger ved politiske valg. Her viser en irakisk kvinne at hun har avlagt stemme. land. Hvorfor er det ikke nok at folk kan stemme ved valg for at man skal kunne kalle et land demokratisk?

Kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pagbuo ng samahan

Ang pampolitikang impluwensiya ay higit pa sa karapatang bumoto. Bukod dito, may karapatan ang lahat sa isang demokrasya na makilahok sa pulitika, anuman ang edad. Maaari tayong magsulat ng liham o artikulo para sa pahayagan, sumama sa mga demonstrasyon, magsimula ng petisyon, o sumali sa isang unyon o partidong politikal at tumakbo bilang politiko. Upang matiyak ito, mayroon tayong kalayaan sa pagbuo o pagsali sa mga samahan at kalayaan sa pagpapahayag. Ito ay ang mga karapatang taglay ng lahat sa isang demokrasya.

Pantay‑pantay na demokratikong oportunidad

Ang isang maayos na gumaganang demokrasya ay dapat na may layuning makalahok ang karamihang mamamayan. Kapag bumoboto ka sa isang pampolitikong halalan, ibinibigay mo ang kapangyarihan sa mga kandidatong ibinoto mo para sa isang takdang panahon. Sa Norway, nakatakda ito sa apat na taon. Ibig sabihin, ang mga nahalal ay may higit na kapangyarihan kaysa sa iba, ngunit upang maiwasan na abusuhin nila ang kapangyarihang ito, kailangan itong limitahan.

Upang matiyak na ang mga demokratikong oportunidad ay pantay-pantay, kinakailangan nating hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa demokrasya at, kasabay nito, limitahan ang kapangyarihan ng mga nahalal na kinatawan. May iba’t ibang paraan upang maisakatuparan ito. Tatalakayin natin ang ilan sa mga ito.

Mas malawak na pakikilahok sa halalan

Bagama’t pantay ang karapatan ng lahat na makilahok at magkaroon ng impluwensiya sa politika, hindi ibig sabihin na ginagawa ito aktuwal ng lahat. Una, may mga taong pinipiling hindi bumoto sa halalan. Noon halalan ng Parlyamento sa 2021, mahigit 20% ng mga botante ang hindi gumamit ng kanilang karapatang bumoto. Sa aktuwal, mahirap hikayatin ang lahat na bumoto, ngunit sa isang demokrasyang bansa tulad ng Norge, layunin na mas maraming tao ang lumahok sa halalan.

Kaalaman at akses sa mahahalagang impormasyon

Upang maunawaan ng mamamayan ang politikal na sistema at alam ang kasalukuyang pangyayari, kinakailangan ang kaalaman at sapat na akses sa impormasyon. Sa ilang bansa, mahirap maipatupad ang demokrasya dahil sa mataas na antas ng analfabetismo, ibig sabihin ay maraming tao ang hindi marunong magbasa o magsulat. Dahil dito, ang karapatan sa edukasyon ay isang mahalagang kundisyon para gumana nang maayos ang isang demokratikong lipunan.

Bilde av elever som slitter i klassen. Noen av dem rekker opp hånda.
Et godt skolesystem er et viktig grunnlag for demokrati. Har du tenkt på at det at du nå sitter og leser om demokrati, faktisk er en viktig del av demokratiet?

Bukod sa pagpasok sa paaralan, mahalaga rin na ang mga tao ay sumusubaybay sa politikang isinasagawa sa bansa. Ang isang demokrasya ay nangangailangan ng malaya at independiyenteng media na maaaring mag-ulat ng mga pangyayari, magpahayag ng iba’t ibang opinyon, at maglantad ng mga problemang dapat punahin sa lipunan nang hindi nasasailalim sa sensura. Kapag ang lahat ay may akses sa edukasyon at media, nagkakaroon din ang lahat ng pagkakataon na makilahok sa demokrasya.

Paghahati ng kapangyarihan pampamahalaan

Ang mga kinatawan sa Storting at miyembro ng pamahalaan ay may mas malaking pampolitikang kapangyarihan kaysa sa karaniwang tao. Ganito talaga ang sistema sa isang kinatawang demokrasya kung saan tayo ay pumipili ng mga taong mamumuno sa bansa para sa atin. Ngunit may iba’t ibang paraan upang limitahan ang kapangyarihang ito para maiwasan ang maling paggamit ng kapangyarihan. Karamihan sa mga demokrasya ay sumusunod sa tinatawag na prinsipyong paghahati ng kapangyarihan. Ibig sabihin nito na ang pinakamahalagang tungkulin ng estado ay hinahati sa tatlong magkaibang institusyon.

Uri ng kapangyarihan

Gawain

Institusyon

Gumagawa ng batas

Magpasa ng mga batas at budget

Ang mga nahalal (sa Norge: Stortinget)

Nagpapatupad ng batas

Tiyaking naipapatupad ang mga batas na ginawa

Gobyerno

Nagpapaliwanag ng batas

Bigyang-kahulugan ang mga batas at magpasya ayon sa batas

Ang mga hukuman

Ang paghahati ng kapangyarihan sa pagitan ng iba’t ibang tao o institusyon ay ginagamit hindi lang sa tradisyonal na tatlong dibisyon, kundi sa iba pang bagay. Sa Norge, halimbawa, ay ipinagkatiwala natin ang bahagi ng lokal na kapangyarihan sa mga lokal na konseho sa mga kommune at fylkeskommune. Ang kabaligtaran ng ganitong uri ng paghahati ng kapangyarihan ay isang diktatur kung saan ang lahat ng kapangyarihan ay nasa iisang tao.

Pagpigil sa korupsyon at pag-iwas na may kinikilingan

Kung ang isang tao ay nagkakaroon ng napakalaking kapangyarihan pampolitika dahil mayroon silang maraming pera o dahil sila ay malapit na kaibigan o kamag‑anak ng isang taong nasa gobyerno, maaari itong maging problema sa demokrasya. Isipin mo na lamang kung ang isang mayamang negosyante ay nagbibigay ng pera sa mga politiko para iboto nila ang isang isyo na gustong pagkakitaan ng kumpanya. Ito ay korupsiyon at ilegal. Sa isang maayos at gumaganang demokrasya, kaunti ang korupsyon.

Kapag ang isang politiko ay gumagawa ng desisyon na pakikinabangan niya mismo, isang malapit na kaibigan, o isang miyembro ng pamilya, hindi siya patas (habilitetsbrudd). Halimbawa, kung may isang kaso na kailangang desisyunan ng isang ministro at sangkot dito ang isang malapit na kaibigan o kamag‑anak, dapat ideklara ng ministro na siya ay “inhabil”. Ibig sabihin, na hindi niya maaaring hawakan ang kaso dahil masyado siyang malapit sa isang taong sangkot dito. Kung ang isang miyembro ng gobyerno ay hindi nagsabi at lumabag sa pagiging patas, kadalasan ay kailangan niyang umalis sa kanyang posisyon. Sa malulubhang kaso, maaari rin itong isang krimen na may kaparusahan.

Ang mga batas laban sa korupsyon at paglabag sa pagiging patas ay nilikha upang maiwasan na ang isang tao ay magkaroon ng labis na kapangyarihan dahil siya ay may maraming pera o dahil kilala niya ang mga taong makapangyarihan.

Tungkol sa pelikula sa ibaba

Tinatalakay ng maikling pelikula sa ibaba ang mga isyu tungkol sa pagiging patas (habilitet) at tiwala sa mga politiko. Ang pelikula ay nasa wikang Norwego, at narito ang paliwanag tungkol sa nilalaman nito.

Isipin mo na may planong magtayo ng isang malaking kalsada sa lugar kung saan ka nakatira. Ang kalsadang ito ay dadaan mismo sa hardin ng kapatid ng mayor. Biglang nagbago ang isip ng mayor at ayaw na niyang ipatayo ang kalsada. Sabi niya na hindi mabuti ang kalsada para sa kalikasan. Mahirap malaman kung tumututol ba talaga ang mayor dahil sa kalikasan, o kung ang tunay na dahilan ay protektahan ang hardin ng kanyang kapatid. Dahil sa pag-aalangan, itinuturing na “inhabil” ang mayor at hindi siya maaaring humawak ng kaso tungkol sa kalsada. Kailangan ng bayan na maghanap ng ibang taong papalit sa mayor para hawakan ang kasong ito. Mahalaga na tiyakin ng mga politiko na may tiwala ang tao sa kanilang mga desisyon — na kapag sila ay nagpasya, ginagawa nila ito dahil naniniwala silang ito ang pinakamabuti para sa lipunan.


Pangangalaga sa interes ng bawat tao at ng mga minorya.

➡️Sa isang demokrasya, kadalasan ang karamihan ang nagdedesisyon. Ngunit paano kung magpasya ang karamihan na usigin ang ilang tao o partikular na grupo sa lipunan? Maaaring may mga taong mawalan ng bahay, binawalan ng karapatang bumoto, hindi na malayang magpahayag, o inalis ang kanilang pagkamamamayan. Maaari ring may mga taong makulong o maparusahan nang walang makatarungang paglilitis. Buong grupo sa lipunan ay maaaring pagbawalan na tangkilikin ang kanilang relihiyon o kultura. Ang mga minorya ay maaari pa nilang tangkaing lipulin. Ang ganitong uri ng pang-aabuso ay nangyayari pa rin ngayon sa ilang bansa na nag-aangking sila ay demokratiko. Dahil dito, kinakailangan na ang bawat tao o grupo ng minoridad ay may malinaw na karapatan na nagpoprotekta laban sa diskriminasyon at abuso

Sort-hvitt foto av en mann som står i en åpen bil. Det er tett i tett med folk rundt bilen.

Kahit na mabilis na nagtatag si Adolf Hitler ng isang diktatur sa Alemanya, nanalo muna siya sa isang demokratikong eleksiyon. Pagkatapos niyang manalo sa 1933, nagsimula kaagad ang sistematikong pag-uusig sa mga Hudyo og iba pang grupong minoridad sa Alemanya. Ang Alemanya sa unang bahagi ng 1933 ay isang malinaw na halimbawa kung paano ang desisyon ng karamihan ay humantong sa malulupit na pagtrato sa ilang minoridad at tao.

Pananaig ng batas

Ang pananaig ng batas ay isang mahalagang prinsipyo sa isang demokrasya at pinoprotektahan nito ang bawat mamamayan laban sa maling paghatol o paglabag sa kanilang mga karapatan. Narito ang ilang prinsipyong kailangang umiiral upang masigurado ang pananaig ng batas:

  • Lahat ng desisyon ng mga awtoridad ay dapat sumunod sa mga batas ng bansa.
  • Hindi maaaring parusahan ang isang tao nang walang hatol mula sa hukuman.
  • May karapatan ang bawat tao na maipaglaban ang kanyang kaso sa isang neutral na hukuman.
  • Itinuturing ang isang tao na inosente hangga’t hindi napapatunayang siya ay nagkasala.
  • Lahat ay pantay sa harap ng batas; hindi dapat magkaroon ng hindi makatarungang pagtrato o diskriminasyon.
  • Lahat ng sangkot sa isang kaso ay dapat bigyan ng pagkakataong magpahayag tungkol sa kaso.

Mga karapatang nagproprotekta sa mga minoridad

Sa mga karapatang pantao ng UN, sentral ang pagprotekta sa mga minoridad at mga grupong madaling maapi. May espesyal na proteksyon ang mga katutubo. Ang mga katutubo ay mga pangkat ng tao na naiiba sa karamihan ng populasyon sa isang bansa, at matagal nang naninirahan doon bago pa man nagkaroon ng mga hangganan at naitatag ang isang bansa. Karaniwang nakaranas ang mga katutubo ng diskriminasyon at pang-aabuso mula sa mga awtoridad at sa karamihang mamamayan. Layunin ng mga karapatan ng mga katutubo na tiyaking hindi na mangyayari ang ganitong diskriminasyon at pang-aabuso, at tulungan silang mapanatili ang sarili nilang kultura at wika.

Sa Norway, mayroon tayong isang katutubo: ang mga Sami. Ngunit mayroon din tayong tinatawag na limang nasyonal na minoridad: mga kvener/norskfinner, skogfinner, hudyo, romfolk, at romanifolk/tatere. Ito ay mga etnikong grupo na may sariling kultura na may matagal nang kaugnayan sa bansa. Ang nasyonal na minoridad ay may ilang karapatan na katulad ng katutubo, ngunit ang katutubo ay may mas malakas na proteksiyon sa ilang bagay.

Sa isang demokrasya, walang sinuman ang dapat makaranas ng diskriminasyon o pag-uusig anuman ang dahilan. Sa Norway, mayroon tayong mga batas na nagpoprotekta sa atin laban sa diskriminasyon batay sa relihiyon, etnisidad, kasarian, seksuwal na oryentasyon, pagkakilanlang pangkasarian, o kapansanan.

Ang mga karapatang nagpoprotekta sa mga minoridad ay mahalaga upang ipaalala sa atin ang pinakapundasyon ng demokrasya — na ang lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at may parehong dignidad at karapatang pantao.

Ang takdang-aralin ay naglalaman ng mga pangunahing salita sa tekstong Norwego.

  • Isalin ang mga salita gamit ang LEXIN o sa ibang paraan.
  • Sa kanang hanay ang salita ay ginamit sa isang pangungusap na matatagpuan sa teksto. Isalin o ipaliwanang kung ano ang ibig sabihin ng pangungusap

Hva er demokrati – ordliste

Kva er demokrati – ordliste

Det er mulig å skrive ut eller bruke innhold fra dette innlegget på flere måter.

Legg merke til at innhold kan være ulikt lisensiert.

Regler for bruk av teksten 

Denne teksten har lisensen CC BY-NC-SA 4.0. Denne lisensen gir deg rett til å dele og bruke dette innholdet på visse vilkår:

  • Du må alltid oppgi hvem som har laget innholdet.
  • Du kan bare dele innholdet med samme lisens som det opprinnelige innholdet.
  • Du kan ikke benytte materialet til kommersielle formål.

Regler for bruk av bilder i teksten

Bildene i denne teksten kan ha ulike lisenser. Les mer om hvert bilde.

  1. Fotografi av en hånd som holder en stemmeseddel delvis inne i sen orange stemmeurnelhROJ0o1.jpg — Stemmeseddel, av Nguyen, S., NTB scanpix. (https://ndla.no/image/46857). CC BY-NC-SA 4.0.

  2. Foto av en blå skive med teksten EU. til høyre står det Ja, og til venstre står det nei. Den røde pila står på nei-sidensx9165b4.jpg — Barometer fra folkeavstemningen om EU viser nei-flertall, av Berntsen, T., VG, NTB scanpix. (https://ndla.no/image/649). CC BY-NC-SA 4.0.

  3. foto av en kvinnehånd som holder fram pekefinger som er merket med blekkAdobeStock_1614862740-1024x645.jpeg — TWQko3pp https://stock.adobe.com/no/license-terms#standardLicenses

  4. Bilde av elever som slitter i klassen. Noen av dem rekker opp hånda.mzQKd7I5.jpg — Elever i klassesituasjon på barneskole., av Kallestad, G., NTB. (https://ndla.no/image/53256). CC BY-NC 4.0.

  5. Sort-hvitt foto av en mann som står i en åpen bil. Det er tett i tett med folk rundt bilen.tacdf6d3.jpg — Hitler på den 5. partikongressen i Nürnberg, 1933, av Heritage, NTB . (https://ndla.no/image/774). CC BY-NC-SA 4.0.

Regler for bruk av lydfiler i innlegget

Lyden i innlegget har lisensen CC BY-NC-SA 4.0. Denne lisensen gir deg rett til å dele og bruke dette innholdet på visse vilkår:

  • Du må alltid oppgi hvem som har laget innholdet.
  • Du kan bare dele innholdet med samme lisens som det opprinnelige innholdet.
  • Du kan ikke benytte materialet til kommersielle formål.